Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan, hindi intriga

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Mga Kapanalig, sa halip na ipag-utos ang mabilis na imbestigasyon sa pagpatay kay Fr. Mark Anthony Ventura at makiramay sa pamilya ng pinaslang na pari, pinili ni Pangulong Duterte na mang-intriga.

Habang nagtatalumpati sa isang okasyon sa Cebu, nagpakita siya ng isang “matrix” na naglalarawan sa “love triangle” na posibleng motibo raw sa pagpatay. Bagamat hindi niya binanggit ang pangalan ng pari, nasa pamagat ng “matrix” ang pangalan ni Fr. Ventura, at batay sa “matrix” na iyon, may relasyon ang 37 taóng gulang na pari sa walong babae, kabilang ang asawa ng isang vice mayor, asawa ng isang pulis, asawa ng isang sundalo, at asawa ng isang negosyante. Sabi ng pinakamataas na lider ng ating pamahalaan, kung ganito ba naman karami ang karelasyon ng isang pari, hindi katakatakang mapapatay siya.

Hindi natin alam kung ano ang nag-udyok kay Pangulong Duterte na maglabas ng impormasyong walang malinaw na batayan tungkol sa pinaslang na pari. (Talagang mahilig lamang siguro ang ating pangulo sa mga “matrix” na sa maraming pagkakataong naglabas siya nang ganoong dokumento, nakitang maraming mali at wala namang napatunguhan.) Ang alam natin, mga Kapanalig, bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang igalang ang patay at ang makiramay sa naulilang pamilya. Hindi natin dinadagdagan ang sakit at lungkot ng mga naiwan ng taong namatay sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila. Kaya umapela si Archbishop Sergio Utleg ng Tuguegarao sa publiko na huwag patulan ang anumang malisyosong ispekulasyon tungkol sa pagkamatay ni Fr Ventura. Umaasa siyang gugulong na ang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan, mapanagot ang mga taong may kasalanan, at mabigyan ng katarungan si Fr Ventura. Ito ang prosesong sinusunod sa isang sibilisado at makataong lipunan.

Huwag natin sanang kalimutang isa si Fr Ventura sa mga paring piniling maglingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan. Isa siyang environmental activist o tagapagtanggol ng kalikasan sa kanyang pagtutol sa pagmimina. Katuwang din siya ng mga katutubo sa probinsya ng Cagayan sa paggiit ng kanilang mga karapatan. Para sa mga nakakikilala kay Fr Ventura, hindi maikakaila ang kanyang pagtataya sa misyong kanyang pinili. Minahal siya ng kanyang mga pinaglingkuran, kaya’t palaisipan sa marami sa kanila kung sino ang mga lalaking nakamotorsiklo at bumaril sa kanya habang binabasbasan ang mga bata matapos niyang ipagdiwang ang isang Banal na Misa noong Abril 29. Malinaw na may mga kaaway siya, ngunit kung sinu-sino sila at kung bakit nila pinatay o ipinapatay si Fr Ventura ay bahagi ng gagawing imbestigasyon ng mga pulis. Katotohanan at katarungan ang hinahanap natin, mga Kapanalig, hindi intriga.
Anuman ang motibo, sabi nga ni Bishop Ambo David ng Kalookan, “murder is murder.” Ang pagpatay ay pagpatay, at kahit kailan, mali at malaking kasalanan sa Diyos ang nakawin ang buhay ng ating kapwa. “Huwag kang papatay,” iyan ang ikalimang utos ng Diyos.

Malaking paglabag din sa batas ng bansa ang pagpatay, kaya’t inaasahan natin ang mga kinauukulang kumilos upang gawaran ng katarungan ang taong ginawan ng mali at ang mga taong nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay. Ngunit sa isang bansang umiiral ang tinatawag nating culture of impunity—o ang hindi na pagpapanagot sa mga pumapatay at lumalabag sa batas—makakaasa ba tayo ng katarungan? Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang mga pumatay kay Fr Marcelito Paez sa Nueva Ecija noong Disyembre. At makaaasa ba tayo ng tulong mula sa pamahalaang pinamumunuan ng mga lider na galit sa Simbahan? Kahit ang tulad ni Sister Patricia Fox na matagal nang kasama ng mga katutubo at mahihirap, agad-agad na ipina-deport.

Mga Kapanalig, hindi na maipagtatanggol ni Fr. Ventura ang kanyang sarili laban sa mga paratang sa kanyang pagkatao. Ngunit nakaatang sa ating mga naiwan ang paghahanap ng katotohanan upang manaig ang tunay na katarungan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 53,315 total views

 53,315 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 64,390 total views

 64,390 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 70,723 total views

 70,723 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 75,337 total views

 75,337 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 76,898 total views

 76,898 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 53,316 total views

 53,316 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 64,391 total views

 64,391 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 70,724 total views

 70,724 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 75,338 total views

 75,338 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 76,899 total views

 76,899 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,806 total views

 44,806 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,467 total views

 67,467 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,043 total views

 73,043 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,524 total views

 78,524 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,637 total views

 89,637 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,636 total views

 85,636 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,338 total views

 73,338 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,820 total views

 81,820 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,879 total views

 74,879 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,803 total views

 81,803 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top