239 total views
Pinaalalahanan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari, relihiyoso at mga nagtalaga ng kanilang buhay sa Panginoon na patuloy na maging masigasig sa buhay pananampalataya at pagsusulong sa misyon ng simbahan.
Sinabi ni Cardinal na sa kabila ng bawat pagpupunyagi at pagtulong sa kabutihan ng mas nakakarami ay hindi sila kundi ang Diyos ang makakalikha ng bagong langit at lupa.
Sa kaniyang homiliya, sinabi ni Cardinal Tagle na ang mga pari ay siyang katuwang ng Panginoon para mapadali ang mga paghihirap ng bawat tao subalit tanging ang Panginoon pa rin ang tugon at lilikha ng mas mabuting buhay para sa lahat.
“This is a very humble admission. Of course, we priest and religious we also have a mission and we want to achieved we want to do something for the good of the community to promote the mission of the church. We have many ideas, and they are good ideas. But the first reading also reminds us, we are not the once who would create the new heavens and the new earths, the new earth the new heavens are Gods work and God’s gift,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ito ang pagninilay ni Cardinal Tagle sa misa ng pasasalamat sa ika-25 anibersaryo ni Rev. Father Gregory Gaston, rector ng Pontificio Colegio Filipino at Rev. Father Stephen Simangan-chaplain ng Philippine Coast Guard na ginanap sa Our Lady of Mt. Carmel Church sa New Manila Quezon City.
“It is God’s work but be eager and you can hasten the coming of the day of the Lord by your justice, your righteousness and be on guard against error. And do not do anything that would make you proud thinking that you are the source of stability,” dagdag pa ng Cardinal.
Kaakibat ng pasasalamat sa 25 taong pagiging pari, paalala rin ni Cardinal Tagle na maging matiyaga at mapagkumbaba sa ating paghihintay sa pangako ng ating tagapagligtas habang patuloy na tupdin ang mga gawain na magbibigay ng kaluwalhatian sa Panginoon.
Si Fr. Gaston ay nagsilbi bilang opisyal ng Pontifical Council for the Family na masigasig na tumututol sa paggamit ng contraceptives bilang bahagi ng family planning.
Siya ay tubong Silay City, Bukidnon na nagtapos ng Zoology sa University of the Philippines bago nagdesisyon na maging isang pari.
Taong 1998 nang ipadala ng noo’y si Jaime Cardinal Sin sa University of Navarre sa Espanya para sa kanyang seminary formation.
Si Fr. Gaston kasama si Fr. Simangan ay inordinahang pari sa Vatican ni Pope John Paul II taong 1993.
Si Fr. Gaston ay nagtapos ng kanyang doctorate sa Sacred Theology sa Angelicum sa Roma at sumailalim sa post-doctoral fellowship program sa Bioethics sa National Catholics Bioethics Center sa Boston taong 1997.
Taong 2010 nang italaga ng Vatican si Fr. Gaston bilang rector ng official residence ng mga Filipinong pari sa Vatican bilang kahalili noon ni Bishop Ruperto Santos na itinalaga naman bilang obispo ng Balanga Bataan.
Bukod sa pagiging rector ng Colegio Filipino, nagsilbi ring Vatican correspondent si Fr. Gaston para sa Veritas 846 noong 2015 sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.
Tuwing Huwebes, maririnig din si Fr. Gaston na nagbibigay ng update kaugnay sa mga pangyayari sa Vatican at mga Filipino sa Roma sa programang Veritas Pilipinas.