169 total views
Ito ang panawagan ni Diocese of Novaliches Bishop Antonio Tobias sa pagbuo ng Bishops-Businessmen Conference Novaliches Chapter.
Ayon sa Obispo, isang magandang pagkakataon na mapagsama-sama ang mga negosyante na mula sa iba’t-ibang propesyon para sa pagpapalawak ng gawaing pastoral ng simbahan.
Naniniwala si Bishop Tobias na sa tulong ng mga taong ito ay mapagbubuti pa ng kanilang Diyosesis ang pagtulong sa mga nangangailangan na daan sa unti-unting paglikha ng bagong daigdig na kalugudlugod sa kalooban ng Diyos.
“We can make the world better, because you and I all of us existed and we contribute that part.” pahayag ni Bishop Tobias sa kanyang homiliya.
Dahil dito, nanawagan ang Obispo sa iba pang mga propesyonal o mga negosyante na nais mag-ambag ng kanilang kakayahan, na huwag mag-atubiling tumulong sa mga mahihirap, at sa mga gawaing pastoral ng simbahan.
Naniniwala ang Obispo na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ay makakamit ng simbahan at iba pang sektor sa lipunan ang bago at mas mabuting mundo para sa sangkatauhan.
“And so my dear friends, business in the different professions in a world [were] we’ll start of the making of the new heaven and a new earth. Let us build them, together, and help each other to reach it with you.” Dagdag pa ng Obispo.
Humigit kumulang limampung indibidwal ang nakilahok sa paglulunsad ng Bishops-Businessmen Conference Novaliches Chapter, noong ika-5 ng Hunyo.