199 total views
Nananawagan ang Radio Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan sa mamamayang Filipino na isulong ang “active non-violence” sa pagpapakita ng “outrage” sa lumalalang culture of impunity at mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa.
Hinihikayat ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual at Executive Director ng Caritas Manila ang taumbayan na manindigan laban sa umiiral na culture of impunity sa pamamagitan ng active non violence o mapayapang pagkilos.
Iginiit ng Pangulo ng Radio Veritas sa Simbahang Katolika at mamamayang Pilipino na harapin ang problema ng may respeto sa bawat isa at maghanap ng payapang solusyon na maigi sa magkabilang panig o win win solutions.
Inihayag ni Father Pascual na palaging may solusyon sa problema kung bukas at nay tiwala ang bawat isa na tunay na diwa ng active non-violence.
Nilinaw ng Pangulo ng Radio Veritas na hindi pasibo o passabity, karahasan o counter violence ang solusyon bagkus mag-usap at nagkasundo ng mapayapa.
Si Mahatma Gandhi ng India ang founder ng Actice NonViolence o AHIMSA kung saan isinasantabi ang armadong pakikibaka at karahasan upang makamtan ang kalayaan.
Ang active non-violence ay ginamit ni St. John Paul II upang makamit ng bansang Poland ang kalayaan at pinasikat ng mga Pilipino sa tinaguriang EDSA people power 1, the bloodless revolution.
Tinukoy ni Father Pascual ang usapan ng North Korea at United States na magandang halimbawa ng active non-violence.
Binigyan diin ng Pangulo ng Radyo Veritas ang pagkakabahala sa magkasunod na pagpaslang kina Father Marcelito Paez ng Diocese of San Jose Nueva Ecija, Father Mark Ventura ng Arcdiocese of Tuguegarao, Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan, pamamaril kay Father Rey Urmentera ng Diocese of San Pablo gayundin ang patuloy na tumataas na bilang ng napapatay sa giyera ng pamahalaan kontra droga, mga mamahayag, mga indigenous people at laganap na paglabag sa karapatang pantao.
Ayon kay Father Pascual, ang nagaganap na karahasan ay hindi dapat tugunan ng isa pang karahasan na dapat maresolba sa mapayapang paraan.
“Violence begets violence”.pahayag ni Father Pascual
Ang paninindigan ng Radio Veritas sa pagsusulong ng ANV ay katig sa mariing pagtutol ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Davao Archbishop Romulo Valles sa panukalang armasan ang mga Pari para sa kanilang proteksyon.
Hinimok ng Pari ang mamamayan na magsagawa ng “silent protest” tulad ng prayer meetings, public discussion, circles of discernment, prayer rallies at paghahain ng mga petisyon sa mga maling polisiya at patakaran ng pamahalaan.
Hinikayat ni Father Pascual ang mga Filipino na magsuot ng itim na damit bukas bilang silent protest, pakikidalamhati at pakikiisa sa paghahatid sa huling hantungan kay Father Richmond Nilo na pinatay ng hindi pa kilalang salarin habang nagmimisa sa Zaragosa, Nueva Ecija.
“Magsuot tayo ng itim na damit sa June 15 sa araw ng libing ni Father Nilo bilang silent protest laban sa culture of impunity sa bansa”.pahayag ni Father Pascual.
Kailangan nating i-counter ang violence o karahasan na ayon sa moral at spiritual principles ng Simbahang Katolika.
Tinatawagan ng Radio Veritas ang taumbayan na manindigan at kumilos laban sa laganap na karahasan at mga kamaliang nagaganap sa bansa.