227 total views
Ang pagkamatay ni Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan ay dapat na magsilbing hamon para sa walang pag-aalinlangang pagsisilbi ng lahat ng mga Pari at layko bilang mga lingkod ng Simbahan.
Ayon kay Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, miyembro ng CBCP Permanent Council na kumakatawan sa Gitnang Luzon, tulad ni Fr. Nilo ay dapat na buong pusong magsilbi ang mga lingkod ng Simbahan ng mayroong paninindigan tulad ni Hesus na hindi ininda ang anumang banta ng karahasan at kasamaan upang patuloy na maibahagi ang Mabuting Salita ng Diyos para sa mga mananampalataya.
“His (Fr. Richmond Nilo) death is now a great challenge to us, priests and even to the laypeople. We must never waver in our resolve to serve our flock; we must persist in following the steps of Jesus Christ; we must forge on with courage in the battle against evil forces in our midst.” bahagi ng Pastoral Statement ni Bishop Santos.
Sa inilabas na Pastoral Statement ni Bishop Santos ay kanya ring ipinaabot ang pakikiisa at pakikidalamhati ng buong Diocese of Balanga, Bataan sa marahas na pagkakapatay kay Fr. Nilo matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin noong Linggo ika-10 ng Hunyo sa kapilya ng Nuestra Señora de la Nieve sa Zaragoza, Nueva Ecija.
Giit ng Obispo, kaisa ng buong Diocese of Cabanatuan na pinamumunuan ni Bishop Sofronio Bancud ang mariing pagkundina at panawagan ng buong Simbahan na mapanagot ang mga responsible sa pagpaslang kay Fr. Nilo upang mabigyang katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.
“We express our utmost sympathy with Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, his clergy and the lay faithful of the diocese. We are one with the rest of the Church in the Philippines in condemning the murder of Fr. Nilo, the third priest to die under the gun in the past six month. We ask that those responsible for these dastardly deeds be brought to justice.” bahagi ng Pastoral Statement ni Bishop Santos.
Pagbabahagi ni Bishop Santos, puno ng panaghoy at pagtangis ang panalangin para sa paghahatid sa huling hantungan ni Fr. Richmond Nilo na inialay ang kanyang buhay bilang lingkod ng Simbahan at tapat na taga-sunod ng Panginoon.
Si Fr. Richmond Nilo ay 44 na taong gulang, kura paroko ng San Vicente Ferrer Parish sa bayan ng Zaragosa, Nueva Ecija at nagsilbing Head ng Commission on Stewardship ng Diocese of Cabanatuan.
Bukod dito aktibo rin si Fr. Nilo na tagapag-tanggol ng doktrina at pananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng apologetics.