165 total views
Hinimok ni Father John Leydon, Convenor ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas ang mga mananampalataya na makiisa sa ikatlong taon ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Laudato Si.
Naniniwala si Father Leydon na hulog ng langit ang encyclical ni Pope Francis para sa mga mananampalataya, kaya naman isa itong biyaya na nararapat lamang pasalamatan at ipagdiwang.
“Hulog ng langit ang Laudato Si lalo na sa kalagayan natin ngayon, sa kalagayan ng kalikasan, kalagayan ng mga mahihirap, so we need to celebrate.” Bahagi ng pahayag ni Father Leydon sa Radyo Veritas.
Dahil dito, inanyayahan ng pari ang mga mananampalataya at mga makakalikasan na makiisa sa pagbubukas ng isang linggong pagdiriwang na tatawaging Laudato Si Week.
Magsisimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na pangungunahan ni CBCP NASSA/Caritas Philippines Chairman, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, sa ganap na alas otso ng umaga sa St. Scholastica’s College, Manila at susundan ito ng symposium na Deep Journey into Laudato Si.
Samantala, naglatag din ang grupo ng iba pang mga aktibidad sa mga susunod na araw.
Narito ang kabuuang schedule ng mga aktibidad para sa buong linggo.
Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.
Gayunman, ito ang itinuturing na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.