188 total views
Ipanalangin para sa awa ng Panginoon ang pumapaslang upang sila ay magsisi ginawang sa krimen at magbalik loob sa Diyos.
Ito ang inilabas na pahayag ng Roman Catholic of Archdiocese of Manila Social Services hinggil sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese ng Cabanatuan.
“Even if the Commission for Social Services and Development of the Archdiocese of Manila does not know all the facts yet, we can make a statement in line of our Catholic Faith,” ayon sa pahayag.
Ayon sa pahayag sa kabila ng walang awang pagpatay nawa ay manaig ang pagpapatawad sa halip na pagganti tulad sa turo at gawi ni Hesus.
“Even if we are sadden by the sudden death of Fr. Richmond Nilo we know that with God’s Grace we can continue to bring His love to the people who suffer, and to ensure His forgiveness even to murderers who repent,” bahagi ng pahayag ng RCAM-CSS.
Si Fr. Nilo na bukod sa kilala bilang tagapagtanggol ng pananampalataya ay may puso rin sa kabataan ang mga may kapansanan.
“Not knowing many of numerous works, but remembering that he had been working together with “Catholic Deaf Care” of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, we are sure that his care for the people with disabilities will enable many deaf and other people in need to be active believers who on their turn bring love and happiness to others,” ayon pa sa pahayag.
June 10 nang barilin at mapatay si Fr. Nilo; ang ikatlong Pari na napatay sa loob lamang ng anim na buwan kabilang dito sina Fr. Mark Anthony Ventura ng Tuguegarao at Fr. Marcelito Paez ng San Jose Nueva Ecija.
Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud nawa ang kamatayan ni Fr. Nilo ay magturo sa bawat isa ng masidhi pang pagmamahalan at pamumuhay na naayon sa ating pananampalataya na higit na pinahahalagahan at ipinagtatangol ng napatay na Pari.