Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagpaslang sa mga pastol

SHARE THE TRUTH

 231 total views

Mga Kapanalig, ikinalulungkot at ikinababahala ng ating Simbahan ang pagpaslang na naman sa isang pari noong isang linggo. Pinatay si Fr. Richmond Nilo ng Diyosesis ng Cabanatuan habang naghahanda para sa Banal na Misa sa isang kapilya sa Zaragoza, Nueva Ecijia. Siya ang ikatlong paring pinatay sa loob lamang ng anim na buwan. Unang pinatay si Fr. Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija noong Disyembre at si Fr. Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan noong Abril. Maliban sa tatlong pinatay na pari, pinagtangkaan ding patayin si Fr. Rey Urmenta sa Laguna dalawang linggo na ang nakararaan. Sa kabutihang palad, naisugod siya agad sa ospital at nakaligtas. Noong Biyernes, isa sa mga suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond ay nahuli na; samanatla, patuloy namang mailap ang hustisya para kina Fr. Tito at Fr. Mark.
Sa pagtindi ng kultura ng karahasan at impunity sa ating bansa, nakababahalang maging ang mga pastol ng ating Simbahan ay nagiging target na rin. Itinalaga pa naman ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang taóng ito bilang “Year of the Clergy and Consecrated Persons”. Ito ang ikaanim na taon mula nang umpisahan ng ating Simbahan ang paghahanda para sa pagdiriwang ng ikalimandaang taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating bansa. Sa taóng ito, hangad natin sa ating mga dasal at gawain sa Simbahan na maging mga “renewed servant–leaders for the new Evangelization” ang mga pari at ang mga nasa buhay-relihiyoso upang tunay silang maging mga tagapaghatid ng Mabuting Balita.

Ito ang hamong niyakap ng mga pinaslang na pari. Hindi po sila perpekto. Sila’y nagkakasala rin at may mga pagkukulang bilang tao at ating mga pastol, ngunit hindi po mabubura ng anumang matrix o pang-iintriga ang kanilang masigasig na pagsasabuhay ng Mabuting Balita. Si Fr. Tito ay kilaláng tagapagtanggol ng mga karapatan ng mga magsasaka, maralitang tagalungsod, at maging ng mga political prisoners. Si Fr. Mark naman ay aktibong lumaban sa pagmimina at naging kaagapay ng mga organisadong katutubo sa Cagayan. Samantalang, si Fr. Richmond ay tumutulong sa mga naaagrabyado dahil sa alitan sa lupa at sa mga kabataang biktima ng pang-aabuso. Dahil sa karahasan, nawalan ang mga grupong kasama nila sa mga adbokasiyang ito ng matapat na kakampi.

Mga Kapanalig, katulad ng pagpapahirap hanggang sa pagpapapako kay Kristo, kawalan ng katarungan din ang pagpatay sa kanyang mga tinaguriang “kinatawan.” Hindi kailanman magiging tama ang pagpatay—pari man, kriminal, o adik. Patuloy na ihahayag ng Simbahan: sagrado ang buhay at walang sinuman ang maaring magtakda ng kamatayan ng kanyang kapwa.

Patuloy din nating hinihikayat ang mga punong-lingkod ng ating Simbahan, kasabay ng pagtatalaga ng taóng ito para sa atin. Huwag tayong matakot na maging instrumento ng Diyos sa pagbibigay liwanag sa ating lipunang nababalot ng dilim. Sa pagpapahayag natin ng Mabuting Balita at paninindigan para sa kung ano ang tama, totoo, at makatarungan, nagagampanan ng Simbahan ang tungkuling ipahayag ang kalayaan at kaligtasang kaloob ni Kristo nang inialay niya ang Kanyang buhay. Hindi madali ang pagpapahayag ng Mabuting balita dahil kaakibat nito ang pagtatanim sa puso ng mga tao ng kahulugan at kalayaang matatagpuan sa Ebanghelyo, nang sa gayo’y maitaguyod natin ang isang lipunang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Samakatuwid, gawain ng Simbahang bumuo ng lipunang makatao, kahit pa buhay ang maging kapalit nito.

Mga Kapanalig, ang mabigat na tungkuling ito ay hindi lang nakaatang sa inyong mga pastol; kabahagi ang lahat sa misyong ito. Sa panahong tila pinipilay ang ating mga pastol, tumindig tayo sa kanilang mga tabi. Manawagan tayo para sa katarungan. Ipagpatuloy natin ang laban nina Fr Richmond, Fr. Tito, at Fr. Mark, at sa paraang ito, tayo ay magiging isang Simbahang tunay na isinasabuhay ang Mabuting Balita.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,843 total views

 31,843 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,499 total views

 46,499 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,614 total views

 56,614 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,191 total views

 66,191 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,180 total views

 86,180 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 31,844 total views

 31,844 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,500 total views

 46,500 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,615 total views

 56,615 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,192 total views

 66,192 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,181 total views

 86,181 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,787 total views

 48,787 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,812 total views

 43,812 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,381 total views

 47,381 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,836 total views

 59,836 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,903 total views

 70,903 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,222 total views

 77,222 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,833 total views

 81,833 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,393 total views

 83,393 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,954 total views

 48,954 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,517 total views

 69,517 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top