Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Walang katumbas na halaga

SHARE THE TRUTH

 553 total views

Mga Kapanalig, matapos ipasara sa turismo sa loob ng anim na buwan ang Boracay, sinabi ni Pangulong Duterte na isasailalim niya ang buong isla sa repormang agraryo o agrarian reform. Nais daw niyang maipamahagi ang lupa sa mga magsasaka. Sa unang tingin, mukhang maganda ang hangarin ng pangulo, kahit na hindi naman malinaw kung may lupa roong angkop sa pagsasaka.

Ngunit lumitaw na iba pala ang gustong mangyari ni Pangulong Duterte. Sinabi niya noong nakaraang linggo na kapag naibigay na ang lupa sa mga magsasaka, maipagbibili nila ito sa mga negosyanteng papasok sa muling pagbubukas ng isla. Aniya, may pampalubag-loob naman daw ang mga magsasaka sa pagkawala ng kanilang lupa dahil makakahawak sila ng malaking halaga ng pera.

Ayon sa KAISAHAN, isang NGO na nagtataguyod ng repormang agraryo at kaparatan ng mga magsasaka sa pagkakaroon ng sariling lupa, ipinapakita ng pahayag ng pangulo ang kakulangan ng kanyang kaalaman tungkol sa tunay na layunin ng repormang palupa. Binigyang-diin ng KAISAHAN na ang repormang agraryo ay hindi tungkol sa negosyo; ito’y tungkol sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at pagkilala sa karapatan ng mga magsasakang matagal nang nakararanas ng panlalamang ng mga nagmamay-ari ng lupang kanilang sinasaka. Ang pagkakait sa kanilang ariin ang lupang kanilang sinasaka ay isa sa mga dahilan kung bakit nananatiling isa ang mga magsasaka sa pinakamahihirap na sektor sa ating bansa sa kabila ng kanilang ‘di-birong pagbabanat ng buto. Dahil dito’y isinabatas noong 1988 ang Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law (o CARL), na nagtatag naman ng Comprehensive Agrarian Reform Program (o CARP).

Dagdag pa ng KAISAHAN, maliban sa hindi malinaw sa pangulo ang diwa ng CARP, labag din sa batas ang kanyang iminumungkahi sa mga mabibigyan ng lupa. Sa ilalim ng CARL, bawal ipagbili ang lupang ipinamahagi ng pamahalaan sa mga benepisyaryo ng CARP sa loob ng sampung taon. Hindi rin nila ito maaaring i-convert o gamitin sa ibang bagay maliban sa pagsasaka. Kung matapos ang sampung taon at nais ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang lupa, nakasaad sa batas na maaari itong bilhin ng pamahalaan.

Dapat din nating tandaang hindi lamang mga magsasaka ang nakatira sa Boracay. Nariyan ang mga kapatid nating Ati na dati nang naninirahan sa isla ngunit napagkakaitang pakinabangan ang lupa dahil hindi sa kanila nakapangalan ang mga titulo. Bilang mga indigenous peoples o katutubo, maituturing na ancestral domain nila ang isla. Dahil dito, bahagi ng kanilang pagkatao ang kanilang lupang tinubuan at pinagyaman ng kanilang mga ninuno, at kinikilala ito ng isa pang batas, ang Indigenous Peoples’ Rights Act (o IPRA). Malaking lamat sa kanilang pagiging mga katutubo ang ipagbili ang lupa para gawing negosyo gaya ng resort at ngayon nga’y mga casino.

Ang pagturing sa lupa bilang instrumento upang kumita ay pagbabalewala natin sa biyayang ito ng Diyos. Ang ipagkait ito sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-engganyo sa kanilang ipagbili ang kanilang lupa sa malalaking negosyo ay pagpapatuloy ng kawalang katarungan sa ating lipunan. Ang ipagkait ito sa mga katutubong nakaugat ang pagkatao at kultura sa lupa ay paglabag sa kanilang dangal at mga karapatan bilang tao at bilang pamayanan. Walang bahid ng pagsusulong ng katarungang panlipunan at ng pagkilala sa pagkatao ng mga katutubo ang layunin ng umano’y programang palupa ni Pangulong Duterte sa Boracay. (Bagamat kung tutuusin, matagal na itong nangyayari sa Boracay bago pa man ito ipasara; matagal nang naagawan ng lupa ang mga karapat-dapat na makinabang dito—unang-una rito ang mga Ati.)
Mga Kapanalig, walang katumbas na halaga ang lupang ipinagkaloob ng Diyos. Biyaya itong dapat pakinabangan ng lahat. Kung hahayaan ng pamahalaang mapasakamay ng iilan—maging ng mga dayuhan—ang lupa sa Boracay, huwad o peke ang “pagbabagong” nais nitong simulan sa isla.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 23,486 total views

 23,486 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 30,822 total views

 30,822 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 38,137 total views

 38,137 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 88,458 total views

 88,458 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 97,934 total views

 97,934 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 23,487 total views

 23,487 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 30,823 total views

 30,823 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 38,138 total views

 38,138 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 88,459 total views

 88,459 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 97,935 total views

 97,935 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,423 total views

 76,423 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 82,682 total views

 82,682 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 96,999 total views

 96,999 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,366 total views

 82,366 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 69,957 total views

 69,957 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,559 total views

 82,559 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 77,872 total views

 77,872 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 82,805 total views

 82,805 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,365 total views

 133,365 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,524 total views

 138,524 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top