150 total views
Kabutihan ang maaring bunga ng pakikinig at pakikipag-usap.
Ito ang pahayag ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mungkahing dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at simbahang Katolika maging iba pang sekta na nasaktan sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglapastangan nito sa ngalan ng Diyos.
Ayon kay Archbishop Valles, ang pakikipag-usap ay mahalagang sangkap para sa pagkakasundo.
“That is most welcome development. To dialogue; is to listen to one another, is always good,” ayon sa mensahe ni Archbishop Valles.
Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na itinalaga siya ng punong ehekutibo bilang miyembro ng komite kasama sina Foreign Affairs undersecretary Ernesto Abella at Edsa People Power Commission member Pastor Boy Saycon.
Layunin ng direktiba ng pangulo na humupa na ang tensyon na nilikha kanyang mga pahayag laban sa Panginoong Diyos at sa Simbahang Katolika.
Kaugnay nito, hindi kumbinsido si Manila Archbishop Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa Sensiridad ng Pangulo para sa pakikipag-usap.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Bishop Broderick Pabillo, taktika lamang ito ng pangulo para pahinain ang galit ng mga Filipino.
“Palusot lang iyan para ma-diffuse ang criticism sa kanya,” ayon kay Bishop Pabillo.
Sinabi pa ng Obispo na sakaling ang Pangulo mismo ang humiling para sa pag-uusap; “Let him request it,.
Una na ring inihayag ni dating CBCP President Archbishop Jose Palma na maaring talakayin sa gaganaping ‘Plenary Assembly’ sa susunod na buwan ang usapin sa pagitan ng Pangulo at ng Simbahan.
Ang Pilipinas na binubuo ng mayorya ng mga Katoliko na may kabuuang 86 na Milyon.