184 total views
Ito ang paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa ipinadalang mensahe sa mga Pari ng Archdiocese of Manila.
Ang kardinal ay kasalukuyang nasa Geneva kung dumadalo sa UN Conference on Migrants and Refugees.
Pinayuhan ni Cardinal Tagle ang mga Clergy ng Archdiocese of Manila na maging kalmado at huwag hayaang magambala ng mga usapin ang kapayapaan ng kaisipan.
“Be at peace. Be calm. Don’t let things disturb your inner peace. Let us read the situation with the eyes of faith.” bahagi ng letter ni Cardinal Tagle sa mga pari
Iginiit ni Cardinal Tagle ang sinasabi sa Vatican II na nararapat igalang nating mga Katoliko ang mga non-Catholics at mga hindi naniniwala sa Panginoon.
Inihayag ng Kardinal na dapat gamitin ang relihiyon para sa mutual understanding at kapayapaan hindi upang lumikha ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
“Vatican II stressed that we Catholics should respect non-Catholics and their religions. We also respect those who do not believe in God. All people should strive to respect those who differ from their beliefs. Religions are not to be used for conflicts but for mutual understanding and peace.” pagninilay ni Cardinal Tagle
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang mga kuwestiyon sa Panginoon at sa doktrina ng Simbahan ay isang constructive step para tugunan ang mga alinlangan at katanungan.
Gayunman, binigyan diin ni Cardinal Tagle na hindi dapat malihis ang atensyon ng mga pari sa pagtugon sa laganap na problema sa bansa na pinapasan ng mga mahihirap.
“While these questions are extremely important for the dialogue between faith and current concerns. let us not be distracted from addressing other pressing concerns with the fervor of faith and love: for example, the increasing prices of goods. Job security. exploitation of women and children. violence in homes and neighborhoods. different types of addictions, crimes, vulnerabilities of OFWs. the daily paralyzing traffic in big cities, flooding, reconstruction of destroyed cities, combating terrorism. corruption and others.” mensahe ni Cardinal Tagle
Iginiit ng Kardinal na hindi matutugunan ang maraming problemang kinakaharap ng bansa sa pamamagitan ng sisihan.
“We need to come together and contribute to positive responses according to each one’s capability. We cannot address these problems by just blaming someone.” bahagi ng letter ni Cardinal Tagle sa mga Pari.
Read full: