567 total views
“Who is this stupid God?”
Tanong iyan, mga Kapanalig, ni Pangulong Duterte, na sinundan pa ng mura, sa isang talumpatihalos dalawang linggo na ang nakalilipas. Sa talumpating iyon, kinuwestiyon din niya ang kuwento ng paglikha ng Diyossa aklat ng Genesis at ang orihinal na kasalanang ginawa ng ating mga unang magulang.Depensa ng tagapagsalita ng pangulo, dala raw ngtrauma mula sa pang-aabusong pinagdaanan ng pangulo saisang pari noong bata pa siya ang pagbibitiw niya ng kontrobersyal na tanong. Para naman kay Solicitor General Calida, mga teologo, hindi ang Diyos o ang Simbahang Katoliko,ang tunay na target ng pangulo. Kinuwestyon lamang daw ng pangulo ang lohika ng kuwento ng paglikha.
Gaya ng inaasahan, umani ng batikos ang pahayag ng pangulo, hindi lamang mula sa mga lider at mananampalataya ng Simbahang Katoliko. Nariyan ang National Council of Churches in the Philippines o NCCP, isang koalisyon ng mga Kristiyanong grupo, na nagsabing “brazen exercise of power against one’s religion” ang ginawa ng pangulo.Ang Philippine Council of Evangelical Churches o PCEC, na binubuo ng mahigit 3,000 evangelical churches sa bansa, nagsabing hindi tama para sa isang pangulo na insultuhin ang Diyos ng mga Kristiyano. Ipinaalala naman ng lider ng Philippines for Jesus Movement o PJM sa pangulo na bilang pinakamataas na lider ng pamahalaan, nakaaapekto sa buong bansa ang kanyang mga salita.
Kumabig ang Malacañang at bumuo ito ng komiteng makikipag-dayalogo sa mga relihiyosong grupo. Katwiran ng tagapagsalita ng pangulo, iisang lipunan ang pinaglilingkuran ng gobyerno at ng simbahan. Sang-ayon itosa turo ng Simbahan na ang pulitikal na komunidad at ang Simbahan, bagamat may magkaibang tituloang mga namumuno at bumubuo ng mga ito, ay kapwa naglilingkod sa personal at panlipunang bokasyon ng tao. Samakatuwid, tungkulinnilang paglingkuran ang mga taoat itaguyod ang karapatanng mga mamamayan at ang dangal-pantao ng mga mananampalataya.
Kung naniniwala rito ang administrasyong Duterte, bakit ininsulto ng pangulo ang Diyos?Kung sinasabing may trauma pa ang pangulo dahil sa pang-aabusong kanyang naranasan, makatutulong marahil na sumailalim siya sa psychological intervention. Kung nais naman niya ng debate tungkol sa lohika ng teolohiya ng Kristiyanismo, hindi ang okasyon kung saan siya nagtalumpati ang akmang lugar, at lalong hindi na niya kailangangmagmura kung ang hanap niya’ymatalinongdebate.
Kapanalig, kaisa tayo ng mga kapatid nating Kristiyano sa pagsasabing hindi katanggap-tanggap ang mga naging pahayag ng pangulo. Malinaw na itataguyod ng Simbahang Katoliko ang kalayaan sa relihiyon ng bawat isa. Nakapaloob din ang kalayaang ito sa ating Saligang Batas. Upang magamit ang kalayaang ito, dapat nating tutulan ang anumang hadlang sa malayang pagpili natinng relihiyon at malayang pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Ang pang-iinsulto ng pangulo sa Diyos ng mga Kristiyano ay paninira sa pananampalatayang Kristiyano; pag-abuso rin iyon sa kanyang kapangyarihan.Iginagalang natin kung wala o iba ang pinaniniwalaang Diyos ng pangulo, ngunit hindi lisensya ang kawalan ng paniniwala sa Diyos upang insultuhin ang pananampalataya ng iba.
Ayon nga kayManila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, hindi na bago ang pagkuwestyon sa Diyos. Gayunman, hindi natin dapat ipagkibit-balikat na lamang ang pang-iinsulto sa ating Diyos at sa ating pananampalataya.Gamitin natin itong pagkakataon upang palalimin ang ating pananampalatayang Kristiyano atmas unawain angmga Salita ng Diyos.
Naiintindihan nga ba natin ang mga kuwento sa Bibliya? Literal din ba ang pagbabasa natin sa mga ito o ginagamit ba natin ang ating pananampalataya? Kaya ba nating humarap sa isang debate ukol sa mga turo ng ating Simbahan?
Kapanalig, tapatan natin ang pang-iinsultong ito sa pamamagitan ng pagpapalalim sa ating kaalaman tungkol sa ating pananampalataya,ng pag-unawa at pagninilay sa Salita ng Diyos, at higit sa lahat, ng pagsasabuhay nito araw-araw.
Sumainyo ang katotohanan.