187 total views
Magsisimula na ang pinaka-malaking pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na tinaguriang “Genfest 2018” sa World Trade Center, Pasay City bukas ika-6 ng Hunyo.
Ayon kay Gio Francisco, isa sa mga Youth Leaders ng Focolare Movement, layunin nito na makalikha ng nagkakaisang mundo sa pamamagitan ng impluwensya ng mga kabataan sa kabila ng pagkakaiba ng mga kultura, lahi, at paniniwala.
Naniniwala ang Focolare Movement na hindi maaaring maging hadlang ang pagkakaiba-iba ng bawat tao upang makalikha ng pagkakapatiran na puno ng pagmamahal.
“We are part of one human family at itong Genfest it promotes the unity yung pagkakaisa ng mga tao na kahit na may pagkakaiba tayo hindi dapat yun gawing hadlang na hindi tayo magkaisa pero mas gamitin natin yun bilang mga tools kung paano tayo maka-connect pa sa kapwa natin para makapagtayo tayo ng isang mas united na mundo.” pahayag ni Francisco sa Radyo Veritas.
Ibinahagi naman ni Rafael Tronquini, isa sa mga kabataan ng Focolare Movement mula sa Brazil, ang kanyang karanasan kung paanong naisasabuhay ang tema ng pagtitipon ngayong taon na “Beyond All Borders”.
Paliwanag ni Tronquini, sa mahigit isang taon pa lamang na pamamalagi niya sa Pilipinas upang tumulong sa pagsasaayos ng Genfest ay naging malaking hamon sa kanya ang malayo sa kanyang pamilya.
Bukod pa dito ang personal na suliraning kinaharap niya dulot ng pagpanaw ng kanyang ama.
“I think this is the moment that God calls me to live Beyond All Borders, this title of this event “Genfest” and also Beyond All Borders, not social borders but also personal borders so it is not easy for me to talk about also this experience because specially what happen to my Dad, but at this moment I think my Dad stayed with me in the Philippines to support this activity and also this is spirituality and in the unity with Chiara Lubich help me for support and also for living very well this moment.” pahayag ni Tronquini sa Radyo Veritas.
Ngayong ika-6 hanggang ika-8 ng Hulyo magtitipun-tipon ang anim na libong mga kabataan mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig sa pangunguna ng Youth of Focolare Movement.
Ang “Genfest” na isang Youth festival ay ginaganap kada anim na taon, ngayong 2018 ang 11th edition nito, at sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Asya, at napili ang bansang Pilipinas na pagdausan nito.
Gaganapin ang malawakang pagtitipon sa World Trade Center, at inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang Explo na bukas para sa publiko sa loob ng tatlong araw.