250 total views
Ito ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa inilabas na “Pastoral Exhortation” matapos ang 3-araw na 117th plenary assembly sa Pope Pius XII Catholic Center, UN Avenue, Manila.
Sa panahon ng nararanasang kaguluhan sa bansa, hinimok ng mga Obispo ang mamamayang Filipino na maging instrumento ng pagmamahal, pagpapatawad, pag-asa at kasiyahan sa kapwa.
PEACE: OUR COMMON VOCATION AND MISSION
Ipinaalala din ng CBCP sa mga pari, layko, consecrated at mga Obispo na kasama sa tungkulin sa pagtupad sa misyon ni Kristo ang malagay sa panganib ang buhay at pangungutya ng kapwa.