256 total views
Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari, relihiyoso at relihiyosa sa unang bahagi ng kanyang plenary talk sa pagsisimula ng Philipine Conference on New Evangelization 5 sa University of Sto.Tomas.
Unang binigyang diin ng Cardinal sa kanyang pahayag sa temang “Sharing in the One Priesthood of Christ”, ang kahalagahan ng pagiging masunurin sa Diyos.
Ayon kay Cardinal Tagle, sa pagiging pari ni Hesus, ipinakita nito ang dakilang halimbawa ng pagtalima sa Diyos Ama na sa kabila ng kanyang nadamang takot bilang tao, ay patuloy parin itong sumunod sa misyong ibinigay ng Panginoon.
“The perfection of obedience to God comes when you no longer understand the will of God,” bahagi ng pahayag ni Kardinal Tagle.
Ipinaalala ni Cardinal Tagle ang kahalagahan ng pakikibahagi ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa sa mga pangkaraniwang tao.
Tulad ni Hesus, sinabi ni Kardinal Tagle na ang mga pari at madre ay dapat maging tagapamagitan ng Diyos Ama sa mga karaniwang tao, lalong-lalo na sa mga makasalanan.
Dahil dito, ipinakita din ni Hesus ang kanyang pakikiisa sa mga makasalanan sa pamamagitan ng paghihirap, pagpapakasakit, at pagpapasan ng krus para sa sangkatauhan.
“When it comes to Jesus it is mediation, truly God but also truly human. Instead of separation from humanity he showed existential solidarity with sinners.” Pahayag ni Cardinal Tagle.
Sa huli, binigyang diin ng Kardinal ang makapangyarihang gawain ni Hesukristo na pagiging tagapag-isa.
Aniya, nawa ay matularan ito ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa dahil ito ang magiging daan patungo sa kabanalang tulad kay Hesus.
“Jesus sets in motion a powerful movement of holiness, of solidarity, of reconciliation, of communion, abolishing all barriers and separation, reuniting people among themselves as brothers and sisters in compassion and reuniting sinful humanity, wretched humanity, with the holy God.” Dagdag pa ng Kardinal.
Ang unang dalawang araw ng Philippine Conference on New Evangelization na sinimulan ngayong ika-18 hanggang sa ika-19 ng Hulyo sa University of Santo Tomas – Quadricentennial , ay espesyal na inilaan para sa mga pagdiriwang ng simbahan sa Year of the Clergy and Consecrated persons.
Sa ikatlong araw naman nito sa ika-20 ng Hulyo ay bubuksan ito para sa lahat kabilang na ang mga layko, at magtatapos ang PCNE hanggang sa ika-22 ng buwan.
Noong nakaraang taon tinatayang umabot sa 6,000 mga mananampalatayang dumalo sa PCNE, kabilang na dito ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa.