348 total views
Mula sa pagiging Band Singer at Practicing Lawyer ay tinalikuran ang lahat para sa tawag ng Bokasyon bilang isang Madre.
Si Sr. Maria Leah Japos ng Contemplative- Missionaries Parish Visitors of Mary Immaculate (PVMI) ang kauna-unahang naging Madre mula sa St. Mary Vianey Parish.
Ayon kay Sr. Leah, naging Aktibo siya sa Youth Ministry ng Simbahan na pinangasiwaan ng Parish Priest na si Fr. Jimmy Marquez.
Paliwanag ni Sr. Leah, isang biro lamang noon ang kaniyang sinabing na kung maari siyang Magmadre na hindi niya akalaing matutuloy.
“Biro lang ang sinabi ko kay Fr. Jimmy, pero the next day ay marami nang text message na ipag-pray ako dahil papasok sa bokasyon,” kwento ni Sr. Leah sa programang ‘Mercifying Moved with Compassion’ ng Philippine Conference of New Evangelization o PCNE 5.
Sa kasalukuyan ay nakatalaga si Sr. Leah sa Our Lady of Mary Immaculate sa Mandaluyong City bilang katekista at abala sa pagdalaw sa mga mananampalataya na nakalimot nang magsimba, magumpisal at maging daan para muling maibalik sa Simbahan.
“Our purpose it to visit as a friend,” ayon kay Sr. Leah. Hinihikayat naman ni Sr. Leah ang mga kabataan na patuloy lamang na gawin ang kanilang mga gawain subalit huwag manghinayang na talikuran ang lahat kung hihingin ito ng Panginoon. “Whether to give up something that you love, you are at the right path,” ani Sr. Leah.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.
Base sa tala, ang Pilipinas ay may higit sa 10,000 ang bilang ng mga Pari at Relihiyoso habang 18,000 naman ang nagtalaga ng kanilang buhay sa Panginoon para kumalinga sa higit 86 milyong Katoliko sa buong Pilipinas.