171 total views
Sampung taon na nagsilbi sa Corporate world at pagtatagumpay sa buhay subalit mas natagpuan ang kagalakan sa pagpasok sa Bokasyon bilang Pari.
Ito naman ang kuwento ng Bokasyon ni Father Herbert Santos na ngayon ay kabilang sa higit 400 mga Pari ng Diocese ng Cubao.
Si Fr. Herbert ay naging bahagi ng Fast moving Consumer good Company sa Makati, nagtrabaho rin sa ad Agency, Financial Sector at ang pinakahuli ay bilang Head Hunter sa Recruitment Sector subalit mas natagpuan ang sarili bilang lingkod ng Simbahan.
“Something is missing. Successful pero kulang at may hinahanap, siguro ito ‘yung malalim na kaligayahan na hindi maibibigay ng temporary success,” Ayon kay Fr. Herbert.
Naging aktibo rin si Fr. Herbert sa Youth Ministry ng Christ the King sa Green Meadows at kaanib ng Salt and Light Community na naging daan na mas mapalapit sa Panginoon.
Sa kabila ng pagigiging aktibong Layko nakaramdam pa rin ng kakulangan si Fr. Herbert hanggang sa magdesisyon na pumasok sa Pagpapari.
“Makaka-Serve naman ako bilang Layko sabi ko that’s okay except na pag tinatawag ka talaga para maging pari, hindi ka titigilan yung tinatawag na ‘The Hound of Heaven, hindi ka mapakali. You can’t shake it off’,” ang kuwento ni Fr. Herbert sa programang ‘Mercifying Moved with Compassion’ ng Philippine Conference of New Evangelization o PCNE 5.
Ipinaliwanag ng pari na mahalaga ang pagiging bukas sa Panginoon na siyang magpupuno sa kakulangan na ating hinanahanap na hindi matatagpuan sa pansamantalang tagumpay.
“Pero dun sa Retreat naging bukas ako, kung tinatawag mo ko Let’s give it a Chance. Giving God a chance kung saan ka tinatawag I think that is very important,” ayon kay Fr. Herbert.