210 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pag-aalay ng sandaling katahimikan at panalangin para kay Sr. Patricia Fox, NDS at sa isang Spanish Dominican Priest na namatay na kapwa naglingkod sa mga Filipino sa kabila ng kanilang pagiging dayuhang misyunero.
Sa panimulang bahagi ng Heart to Heart Segment ni Cardinal Tagle sa ikatlong araw ng Philippine Conference on New Evangelization sa Cuneta Astrodome ay personal na ihayag at ibalita ni Cardinal Tagle ang pinal na desisyon ng Bureau of Immigration na ipadeport ang 71-taong gulang na si Sr. Patricia Fox, NDS.
Ibinahagi rin ng Cardinal ang pagkamatay ng isang Spanish Dominican Priest na si Fr. Jesus Prol, OP na siyang Former Parish Priest of Santo Kristo sa San Juan mula sa sakit na Cancer.
“Before I start the conversation, the dialogue I would like to first break the news that Fr. Jesus Prol, OP Dominican the Former Parish Priest of Santo Kristo in San Juan died this morning after a long long battle with Cancer, he’s one of the few remaining Spanish Dominicans here in the Manila area, he died this morning and you must have heard that Sr. Patricia Fox was ask to be deported…” pahayag ni Cardinal Tagle.
Ayon kay Cardinal Tagle, sa kabila ng pagkamatay ni Fr. Prol at nalalapit na pag-alis ni Sr. Fox sa Pilipinas ay mananatili ang pakikiisa ng bawat Filipino sa kanilang mga naging adbokasiya.
Pagtiyak ni Cardinal Tagle, habangbuhay nang nakatatak sa puso ng bawat Filipino ang pag-aalay ng dalawang dayuhang misyunero ng kanyang buhay partikular na sa mga katutubo, mga manggagawa at mga mahihirap.
“to both of them we say sincerely from the heart that we are with them in prayer and that they will never leave our hearts, they will always remain with the Filipino people that they love and that they have serve, could we pause and pray for them…” pagtiyak ni Cardinal Tagle.
Matatandaang personal ring nakibahagi si Sr. Patricia Fox, NDS sa isinasagawang Philippine Conference on New Evangelization kung saan isa ang madre sa mga nagbahagi sa A Shepherd’s Heart, Conversation with Cardinal Chito Tagle para sa ikalawang araw ng pagtitipon.
Sa kanyang pagbabahagi ay tinalakay ni Sr. Fox na bahagi ng Ebanghelisasyon ang personal na pakikibahagi maging ng mga lingkod ng Simbahan sa mga nagaganap sa lipunan tulad na lamang ng kanyang naging misyon sa loob ng 27-taon dito sa Pilipinas.
Kaugnay nga nito, nito lamang ika-19 ng Hulyo ng inilabas ng Bureau of Immigration ang pinal na desisyon nito sa pagpapadeport sa 71-taon gulang na missionary nun na Sr. Patrcia Fox dahil sa akusasyon ng pakikisangkot sa political activities sa bansa.