Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang federalismo at ang mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Mga Kapanalig, ilang araw bago ilahad ni Pangulong Duterte ang kalagayan ng ating bansa sa kanyang ikatlong SONA, ipinasa sa kanya ng Consultative Committee (o Con-Com) ang isang draft Federal Constitution na pag-aaralan ng Kongreso upang ipalit sa kasalukuyan nating Konstitusyon. Umuusad na nga ang pagsusulong ng federalismo bilang bagong porma ng pamahalaan, at dapat nating tutukan ito.

Gayunman, maliban sa pagsusuri sa nilalaman ng nasabing draft, marapat din nating suriin: sulit nga ba ang igugugol ng pamahalaan upang makatawid tayo patungo sa isang federál na pamahalaan?

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS batay sa mga naunang panukalang Konstitusyon, gagastos ang pamahalaan ng karagdagang 44 bilyon hanggang 72 bilyong piso bawat taon upang suwelduhan ang mga bagong opisyal. Lumalabas nga sa draft Constitution ng Con-Com na sa Senado lamang, magiging 32 na ang magiging senador, samantalang hindi lalampas sa 400 ang magiging miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa sangay ng hudikatura, hindi na lamang iisa kundi magiging apat ang federal courts na may 9 hanggang 15 mahistrado bawat isa. Paglilinaw pa ng pag-aaral ng PIDS, hindi pa kasama sa halagang kanilang tinantiya ang gagastusin para sa pagpapatakbo ng mga bagong departamento sa mga rehiyon; tandaan natin, mga Kapanalig, na sa federalismo, ang bawat federated region ay magkakaroon ng kani-kaniyang mga kagawaran gaya ng DepEd, DOH, at DSWD.

Hindi biro ang halagang kakailanganin para sa isang pagbabagong ayon sa ilan ay hindi naman napapanahon. Tiyak na sa buwis ng mga mamamayan kukunin ang gagastusin para sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, ngunit ngayong hindi pa nga tayo nagiging federál, sobra na ang paghihigpit ng sinturon ng mga Pilipino para lamang matustusan ang mga hindi pa rin naisisimulang infrastructure projects ng administrasyon. Paano pa kaya kapag tatawid na tayo sa isang federál na pamahalaan? May matitira pa kaya sa bulsa nina Juan at Juana?

Salamin ang agresibong pagsusulong ng federalismo ng kung paano ilatag ng administrasyong Duterte ang mga prayoridad nito. Handa itong gumastos ng bilyun-bilyon para sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, ngunit handa rin kaya itong gumastos para sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan?

Tingnan na lamang natin ang kalagayan ng mga kababayan natin bilangguan. Kamakailan, napabalita ang pagkamatay ng isang bilanggo sa Manila City Jail dahil sa umano’y flesh-eating bacteria. Dahil naman sa pagtaas ng bilang ng mga ikinukulong bunsod na rin ng giyera kontra droga ng pamahalaan, siksikan na ang mga bilangguan at marami nang naitalang namatay sa sakit sa puso at sa baga. Ayon sa Commission on Audit, lampas nang mahigit 600% ang kapasidad ng maraming kulungan sa bansa—hanggang 20,000 lamang ang kapasidad ng mga bilangguan natin ngunit noong 2017, umabot na ito nang halos 150,000. Bagsak ito batay sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners at sa mismong panuntunan ng Bureau of Jail Management and Penology. Hindi makatao ang kalagayan ng ating mga kapatid sa bilangguan—hindi ba’t sila ang mas nangangailangan ng malaking pondo ng pamahalaan dahil, sa kabila ng kanilang nagawang kasalanan, mga tao silang may dignidad?

Mga Kapanalig, binibigyang-diin sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang tinatawag nating “moral function” ng isang pamahalaan, at ito ay ang pangalagaan ang karapatang pantao ng mga mamamayan at ang pagtatatag ng katarungan sa lipunan. Ngunit umuusbong ang obligasyong ito sa ating mga mamamayan dahil tayo ang pumipili ng mga magpapatakbo ng ating pamahalaan. Kaya’t kung pinabababayaan ng pamahalaan ang mga mamamayang nasa kalunos-lunos na kalagayan gaya ng mga bilanggo, samantalang handa itong magbuhos ng pondo sa federalismo, ano ang sinasabi nito sa atin bilang isang bayan? Marahil, nakatanaw tayo sa malayo samantalang nasa harapan na natin mismo ang mga nangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,453 total views

 31,453 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,109 total views

 46,109 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,224 total views

 56,224 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,801 total views

 65,801 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,790 total views

 85,790 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 31,454 total views

 31,454 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,110 total views

 46,110 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,225 total views

 56,225 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 65,802 total views

 65,802 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,791 total views

 85,791 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,755 total views

 48,755 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,780 total views

 43,780 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,349 total views

 47,349 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,804 total views

 59,804 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,871 total views

 70,871 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,190 total views

 77,190 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,801 total views

 81,801 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,361 total views

 83,361 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,922 total views

 48,922 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,505 total views

 69,505 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top