176 total views
Patuloy ang pagiging aktibo ang Simbahang Katolika sa pagtulong sa mga naapektuhan ng Kalamidad.
Ito ay matapos na maglabas ang Caritas Manila ng mahigit sa 800 libong piso para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng Bagyong Henry, Inday at Josie sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Ayon kay Gilda Avedillo, Program Manager ng Caritas Damayan ang Disaster Risk Reduction and Response Program ng Caritas Manila, naglabas na sila ng Cash Assistance na nagkakalahalaga ng P490 thousand pesos para sa Diocese ng Balanga, Diocese ng Tarlac at Archdiocese of Lingayen-Dagupan.
Bukod dito una ng nagpadala ang Caritas Manila ng mahigit sa 600 Relief goods sa Archdiocese of San Fernando sa Pampanga na nagkakahalaga ng mahigit sa P300 libong piso.
Magugunitang una ng umapela ng tulong ang mga nabanggit na Diyosesis para madagdagan pa ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga naapektuhan ng malawak ng pagbaha.
Una ng tiniyak ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton Pascual na tutugon ang Social Arm ng Archdiocese of Manila sa anu mang pangangailangan ng mga naapektuhan ng Kalamidad dahilan upang lalong maramdaman ng mga mananampalataya ang pagkilos ng Simbahan.
Kaugnay nito, nagpadala na din ang Quiapo Church ng 700 Relief goods para sa Lalawigan ng Pampanga.