215 total views
Hindi wasto ang pamamaraan na ginagamit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamit ng kapayapaan sa Bansa.
Ito ang iginiit ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pamahalaan at Simbahan.
Naninindigan ang Obispo na mariing tinututulan ng Simbahang Katolika ang mga paglabag at pang-aabuso sa karapatang pantao sa mamamayan sa Bansa.
“The Church does not approve of what President Duterte has made especially Violation of Human rights because his method of giving peace to the Country is to kill people and this is a very wrong method, this is Immoral method, especially just suspecting that he is a Drug addict.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.
Bagamat nakikiisa ang Simbahan sa programa ng pamahalaan tulad ng paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon dapat pairalin pa rin ang paggalang sa bawat isa lalo na sa buhay ng tao.
Sa pagtaya ng iba’t ibang Human Rights groups 23-libo na ang biktima ng Extra Judicial Killings sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan kung saan karamihan ay pawang nagmula sa mahihirap na Sektor ng lipunan.
Sinasabi naman ng Philippine National Police na mahigit lamang sa 4 na libo ang nasawi sa Anti-drug operations dahil sa panlalaban.
Tiniyak naman ni Bishop Bastes, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Mission na patuloy itaguyod ng Simbahang Katolika ang karapatang pantao ng mamamayan.
“The Church always uphold Human rights and because of that we can never follow the Principle of killing people to Achieve peace in the Country.” dagdag ng Obispo.
Nauna nang nagpahayag ng pakikiisa ang Simbahan sa malawakang Kampanya kontra iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga Programang Pangrehabilitasyon sa mga sumukong sangkot sa iligal na droga.
Sa Diyosesis ng Kalookan pinaiigting pa ang SALUBONG program katuwang ang lokal na Pamahalaan kung saan daan-daan na ang recoveries na nagtapos sa 6 na buwang Rehabilitasyon at patuloy na kinakalinga upang magabayan sa tuloy-tuloy na pagbabago.
Ika – 15 ng Hulyo nang pinasinayahan naman ang ‘Sanlakbay Recovery and Restoration Center’ sa Sta. Cruz Manila na layong ipagpatuloy ang pagbibigay formation sa mga nagtapos sa 6 na buwang Rehabilitasyon ng Sanlakbay ng Archdiocese ng Manila.
Maging ang Kaniyang Kabanalang Francisco ay kinilala ang pagtugon ng Simbahan sa mga sumukong drug suspek bilang bahagi ng Misyon ng Simbahan ang pagkalinga sa mga naligaw ang landas tungo sa pagbabalik loob sa pamayanan at sa Panginoon.