952 total views
H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle
Pastoral Visit at San Felipe Neri Parish, Mandaluyong City
July 15, 2018
My dear sisters and brothers in Christ, we thank God for gathering us, forming us as community, as one family of faith this evening and we thank God for His love, His word, the body and blood of Jesus and the Holy Spirit poured into our hearts.
Baka may nagtatanong bakit nandito ang Obispo para magmisa di naman fiesta? Kasi po ang Fiesta ng mga Kristiyano ay linggo. Basta linggo fiesta, paggunita sa muling pagkabuhay ng Panginoon. Kaya lingo-lingo fiesta at kung may sampung misa kapag linggo sampung fiesta iyan.
Ngayon po ako nalibre kaya fiesta po, Happy fiesta! Maganda po ang mga pagbasa natin, magandang paala-ala tungkol sa isang mahalagang bahagi ng ating pagiging mga kristiyano at alagad ni Kristo, ito po ay ang pagiging misyonero.
Jesus called the twelve and sends them. Pagtumawag ang Panginoon hindi para ikaw ay kapit lang sa kanya, kapag tumawag siya, isusugo ka. Katulad sa unang pagbasa, tinawag ng Diyos si Amos. Si Amos na nag-aalaga ng mga tupa at ng mga punong Sikomoro, pero tinawag ng Diyos. At pagkatawag sa kanya, ipinadala hindi na para magpastol at mag-alaga ng puno kundi para mangaral ng salita ng Diyos.
Tayo pong lahat ay tinawag para sumunod kay Hesus. Kasama ng pagtawag na iyan, bawat isa sa atin din sinusugo niya bilang misyonero. Hindi lang po ang mga pari, hindi lang ang mga madre, lahat ng tinawag ni hesus sumunod sa kanya isinusugo niya.
Ano naman po ang ginawa ng mga Apostol noong sila ay sinugo? Nangaral sila. Ang kanilang pangangaral ay tungkol sa paghahari ng Diyos. At dahil ang Diyos ang maghahari, kailangang magbagong-loob. Kasi ang loob natin andaming kung anu-ano at sinu-sino ang naghahari. Kapag parating na ang Diyos para maghari, hindi puwedeng maraming hari sa puso; si Hesus, siya lang.
Ano ho ba ang mga naghahari sa ating puso? Subalit ang pangangaral ng mga apostoles tungkol sa pagdating ng paghahari ng Diyos ay hindi lamang sa salita. Ang kanilang pangangaral ay kasabay ng pagpapalayas sa mga demonyo, pagpapahid ng langis sa mga may sakit, pagpapagaling sa mga may sakit.
Ibig sabihin po ang salita tungkol sa paghahari ng Diyos sinabayan ng mga gawa na nagpapakita na ang Diyos nga ang naghahari. Kalimitan po kasi madali yung salita pero yung salita kahit gaano kaganda kapag hindi sinabayan ng gawa na tumutugma sa salita parang kulang din.
Sumasabutahe, buti nagbagong-loob. Talagang pinatitigil niyo na ata ako. Malimit maganda yung salita pero hindi naman nasasabayan ng mga gawa na nagpapakita ng katotohanan nung salita.
Samantala ang mga Apostoles ang pangangaral nila, “ang Diyos ay maghahari” kaya ang gawa nila pinalayas ang masamang espiritu. Hindi po puwedeng ang Diyos ang naghahari pero nakikitira pa rin ang masamang espiritu. Kailangan ang masamang espiritu ay mapalayas lamang ng paghahari ng Diyos.
Mga kapatid kapag binuksan ang ating mga puso and Diyos lang ba ang naghahari? O baka mayroon din iba pang may mga tumatawa na doon. Baka naghahari ang inggit, naghahari ang ambisiyon, naghahari ang poot, naghahari ang galit. Kapag iyon ang naghahari talagang hindi aalis ang masamang espiritu.
Kakampi kasi sila ng mga nanduon. Para makapagpalayas ng masamang espiritu dapat ang nagdadala ng salita ay puno ng paghahari ng Diyos. Kung hindi sasabihin nung masamang espiritu daldal lang iyan, kakampi ko iyan, tingnan mo. Ang loob niyan ay punung-puno rin ng aking ng masamang espiritu. Ang misyon na ipahayag ang salita ng Diyos, sabayan ng gawa na talaga ang Diyos nga ang naghahari.
Kaya naman sinabi ni Hesus sa mga apostoles; pagnaglakad na kayo, huwag kayong magdadala ng kahit ano. Huwag kayong magdala ng pagkain, huwag kayong magdala ng lukbutan, huwag kayong magdala ng pera. Bakit? Bitbitin ninyo ang pinakamahalaga at iyon ay ang mabuting balita. At kapag dala ninyo ang mabuting balita, dala na ninyo ang kinakailangan ninyo.
Minsan ho kasi ang mabuting balita ang nakakalimutan; dala-dala ang pagkain, ang lukbutan, ang pera yung mabuting balita ng paghahari ng Diyos ang naiiwan. Tayong mga pilipino kapag nagpipik-nik dala lahat.
Kahit half-day lang ang pik-nik; dala ang biscuit, dala ang softdrinks, dala ang tubig, dala ang tabo, lahat iyan daladala. Dala ba ang salita ng Diyos? Parang sinasabi ni hesus kung kayo ay aking isusugo pero hindi ninyo dala ang salita ng Diyos, wala rin kayong daladala talaga. Mga kapatid sa panahon natin ngayon kailangan ang mga isusugo ni Hesus.
May tumawag sa akin noon sabi Bishop kausapin mo nga ang asawa ko kasi ganito-ganito, ganyan-ganyan. Sabi ko ikaw ang sinusugo ko kausapin mo ang asawa mo. Eh bakit ako? ikaw ang asawa.
Lagi kang pinapain, Bishop kausapin mo nga, Father kausapin mo nga, ikaw isinusugo kita. Kayo na po, kayo na po.
Kailangan natin ng mga tao na kapag tinawag ni Hesus handang isugo. Punta kayo sa mga barangay ninyo pagkatapos ng misa dalhin ninyo ang mabuting balita na naghahari ang Diyos. Kung ibang espiritu ang naghahari sa kalye ninyo, patatagin ang mga puso na ang Diyos ang naghahari at magtatakbuhan ang masamang espiritu. Pero kung hindi natin daladala ang paghahari ng Diyos, mamamayagpag ang masamang espiritu. Siguro sabi ng iba dapat nung ala-sais na lang ako nagsimbah, dapat mamayang alas-otso na ako nagsimba, nakakatakot pala itong misang ito, isusugo.
Ganoon naman nagtatapos ang misa diba? Paano natatapos ang misa? “Humayo kayong mapayapa.” Pagkatapos makinig ng salita ng Diyos, pagkatapos matanggap ang katawan at dugo ni Kristo; humayo. Maging mga misyonero.
Hindi natin bitbit ang kung anu-anong makamundong kayamanan at galing. Ang bitbit natin ang paghahari ng Diyos. At iyon ay gawin, gawin sa mga gawang simple, galing sa pusong malinis na walang ibang hangad kundi tunay ngang maghari ang Diyos; ang kanyang katarungan, ang kanyang pag-ibig.
At kapag mayroong tao na sincere in bringing God’s kingdom in word and deed, maniwala kayo nanginginig ang masasamang espiritu. Pero kapag nakita nila ang daladala natin ay tsismis, paninira, kung anu-ano lang na reklamo, at mga pusong mapaghiganti at kung anu-ano, sasabihin ng masamang Espiritu “Safe pa tayo.”, “at home pa tayo dito.”
Only a good heart can drive away the evil spirit. Only a person who is consumed by the kingdom of God can drive away the evil one even when he/she is not talking about the kingdom but doing the kingdom of God.