190 total views
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng kanilang ‘Recalibrated Program’ laban sa pagsugpo ng krimen ang pakikipag-ugnayan sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon kay Police Senior Supt. Benigno Durana Jr.- tagapagsalita ng PNP, kabilang dito ang OPLAN TOKHANG AT OPLAN DOUBLE BARREL bilang patuloy na kampanya kontra droga.
Nilinaw naman ni Durana na ang ‘Tokhang’ ay hindi isang Law Enforcement project kundi ‘Crime Prevention Initiative’.
“By pursuation they are being ask by the Police for Rehabilitation. Tokhang is about saving human lives of drug dependents and restoring their relationships with their families,” ayon kay Durana.
Sa kasalukuyan ayon kay Durana, 15 porsiyento pa lamang mula sa higit 1.2 milyong surrenderers ang sumailalim sa rehabilitasyon.
Tiniyak naman ng PNP ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng pulisya sa CBCP para pagtulungan ang problema sa ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Durana, sa mga susunod na araw ay muling ilulunsad ang USAP o Ugnayan ng Simbahan at Pulisya katuwang ang CBCP.
“Sa pag-uusap maraming suliranin ang malulutas tulad na rin ng rehabilitasyon,” ayon kay Durana.
Una na ring nanindigan ang CBCP na ang epektibong pagtugon sa malawang suliranin sa ilegal na droga ay tulungan ang mga nalulong sa masamang bisyo.
Ang Sanlakbay community-based drug rehabilitation ng Archdiocese of Manila ay may 20 simbahan na nagbibigay ng 6 month program para sa mga nais na magpanibago.