261 total views
Ito ang kahilingan ni Papal Nuncio to Philippines His Excellency Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa mga Guro at mga Estudyante ng University of Santo Tomas kasabay ng pormal na pagbubukas sa Akademikong taon 2018-2019.
Ayon kay Archbishop Caccia, mahalaga na mahubog ang mga kabataan sa paghahanap ng katotohanan lalo na sa tatahaking landas at maging mabuting bahagi ng lipunan.
“I wish the professors, faculty, especially the students to be lover of truth and to be always in search of truth.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Caccia sa Radio Veritas.
Inihayag ng Papal Nuncio na ang bawat pagbubukas ng academic year ay pagkakataong pagnilayan ng bawat isa lalo na ng mga bagong estudyante kung ano ang tunay na layunin at ano ang landas na tatahakin.
“The Academic opening is always a moment in which everyone is called to think where it was to go and post the question why I’m here and this have to grow because we have always to look at the goal we have in mind so to prepare ourself to do a fruitful year.” dagdag ng Arsobispo.
Bilang kinatawan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa Pilipinas ipinaabot nito ang pagbati at pagbabasbas ng Santo Papa sa bawat isang dumalo at naghahanda sa pagbubukas ng klase.
Ikinagalak pa ni Archbishop Caccia ang pagsagawa ng Holy Spirit Mass bilang panimula ng panibagong taon sa mga mag-aaral dahil ang Banal na Espiritu ay itinuturing na Interior Teacher sa buhay ng bawat Mananampalataya.
Dinaluhan ng mga Guro, kawani at mga Estudyante ang pagdiriwang ng Holy Spirit Mass sa University of Santo Tomas kung saan sinundan ito ng Discurso de Apertura o Academic Lecture na pinangunahan ni Prof. Michael Anthony Vasco, Ph.D, dekano ng UST Faculty of Arts and Letters.
Inaasahang 13-libo ang mga freshmen ng U-S-T na kikilalanin sa ROARian na isasagawa sa ika-3 ng Agosto at lalahok naman sa tradisyunal na Thomasian Welcome Walk sa ika-6 ng Agosto na pangungunahan naman ni UST Secretary General Rev. Fr. Jesus Miranda Jr., OP, hudyat ng pormal na pagbubukas ng klase sa unibersidad.