260 total views
Dapat naging pro-active ang pamahalaan at agarang tinugunan ang sitwasyon ng mga nagugutom na magsasaka sa Kidapawan North Cotabato.
Ikinalulungkot ni Father Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth na kasama sa mga nasawi sa marahas at madugong dispersal sa rally ng mga magsasaka sa Kidapawan ay mga kabataan.
SEE http://www.veritas846.ph/pagkain-tubig-huwag-ipagkait-sa-mga-magsasaka-marbel-sac/
Binigyan diin ng pari na dapat nakahanda na ang programa ng local na pamahalaan para sa mamamayang nasasakupan.
“Nakakalungkot yung sa panahon ng taggutom, yung mga nagsasaka ay inaasahan talaga ay tulong ng gobyerno, kung maari kahit hindi nila ito hingin, hindi na kailangang isigaw pa na sila ay nagugutom, ito ay dapat ibinigay sa kanila bago pa ang trahedya”.pahayag ni Father Garganta sa Radio Veritas
Binigyang diin ng pari na kung naging proactive lang ang local na pamahalaan maging ang national government ay naiwasan ang masaker.
Inihalimbawa ng pari ang ginagawa ng Simbahan na agarang alamin ang pangangailangan ng kanilang nasasakupang parokya para matulungan ang mga nangangailangan lalu na sa pagkain maging at sa ikabubuhay.