Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi lang kalikasan ang dapat pangalagaan

SHARE THE TRUTH

 349 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiinang muli ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA noong nakaraang linggo ang kanyang paninindigan laban sa mapanirang pagmimina. Babala niya sa industriya ng pagmimina sa bansa, “Do not destroy the Environment or compromise our Resources. Repair what you have mismanaged.” Nagbanta rin siyang magpapatupad ang pamahalaan ng mas istriktong mga patakaran gaya ng pagbabawal sa open-pit mining. Dagdag pa niya, dapat na napakikinabangan ng mga Pilipino, hindi lamang ng iilan, ang anumang yamang mula sa pagmimina.

Ginamit rin niya ang Boracay bilang simbolo ng kapabayaan ng pamahalaan pagdating sa pangangalaga sa kalikasan, kaya’t hindi raw niya papayagang magpatuloy ang pagkasira ng nasabing isla at iba pang lugar. Ipinagmalaki ng pangulo ang pagpapasara sa Boracay sa turismo sa loob ng anim na buwan bilang hudyat ng pagsisikap ng pamahalaan na isalba ang nasirang paraiso. Hinamon niya ang mga lokal na pamahalaang ipatupad ang mga batas-pangkalikasan at huwag nang hintaying ang pambansang pamahalaan pa ang kumilos sa kanilang mga lugar.

Maganda sa pandinig ang mga binitiwang salita ng pangulo tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa mga grupong tumututol sa mapanirang uri ng pagmimina. Malaking tulak din ito para sa mga Organisasyong nagsusulong ng mas maayos na paggamit ng lupa o land use. Muli na naman niyang inudyukan ang mga mambabatas na ipasá na ang National Land Use Act o NLUA. Sa isang banda, sinasalamin ng mga pangungusap na ito ni Pangulong Duterte ang pagtutok ng Administrasyon sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan laban sa mga mapanirang gawain tulad ng hindi responsableng pagmimina at hindi nababantayang turismo.

Sa kabilang banda, walang sinasabi ang mga pangungusap na ito tungkol sa pagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng karahasang ang pangunahing target ay ang mga taong ipinaglalaban ang kalikasan mula sa mga mapanirang industriya at negosyo. Ayon sa International watchdog na Global Witness, ang Pilipinas ang itinuturing na pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan. Sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte, nakita ang pagtaas ng bilang ng mga pinatay na environmental defenders—mula 28 na kaso noong 2016, umakyat ito sa 48 sa pagtatapos ng 2017. Sa buong mundo, pumangalawa tayo sa Brazil sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng pinatay na environmental defenders noong nakaraang taon. Sa 48 na kaso sa Pilipinas, 20 ang sinasabing may kaugnayan sa pagtutol ng mga environmental defenders sa agribusiness o mga negosyong nangangamkam ng lupa upang pagtayuan ng plantasyon. Halos 6 sa 10 kaso ay sinasabing kagagawan ng mga sundalo, at mahigit kalahati ng mga kaso ay naganap sa rehiyong pinanggalingan ni Pangulong Duterte, ang Mindanao.

At hindi ito kataka-taka dahil, gaya na rin ng sinabi sa report ng Global Witness, nagaganap ang mga ito sa isang kalagayang walang paggalang sa karapatang pantao ang mismong mga nasa poder. Hindi ito kataka-taka sa isang pamahalaang ang inuuna ay militarisasyon sa kanayunan sa halip na bigyang-proteksyon ang mga mamamayan laban sa mga armadong grupong inuupahan ng malalaking negosyo. Dahil sa pagdami ng napapatay na environmental defenders, nababahiran ng duda ang paninindigan ng Administrasyong Duterte para sa kalikasan. Tayo sa Simbahan ay naniniwalang hindi mapaghihiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagtataguyod ng karapatan sa buhay. Naniniwala tayong magkaugnay ang buhay ng tao at ang kalikasan; ang nakasasamâ sa isa ay nakasasamâ rin sa isa.

Kaya mga Kapanalig, maliban sa pagtiyak ng Administrasyong Duterte na naipatutupad ang mga batas-pangkalikasan, tutukan din sana nito ang paggawad ng katarungan sa mga pinapatay na environmental defenders at ang pagbibigay sa kanila ng proteksyon. Ngunit maasahan kaya natin ito sa isang pamahalaang kumikiling sa karahasan at pinipili lamang ang mga taong kinikilala nitong may karapatang pantao?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,057 total views

 29,057 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,713 total views

 43,713 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,828 total views

 53,828 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,405 total views

 63,405 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,394 total views

 83,394 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,058 total views

 29,058 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,714 total views

 43,714 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,829 total views

 53,829 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 63,406 total views

 63,406 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,395 total views

 83,395 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,533 total views

 48,533 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,558 total views

 43,558 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,127 total views

 47,127 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,582 total views

 59,582 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,649 total views

 70,649 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,968 total views

 76,968 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,579 total views

 81,579 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,139 total views

 83,139 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,700 total views

 48,700 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,440 total views

 69,440 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top