Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatang pantao ang karapatang mabuhay

SHARE THE TRUTH

 14,471 total views

Mga Kapanalig, isa marahil sa pinakatumatak sa atin sa SONA ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ay ang patutsada niya sa mga kritiko ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at sa mga nagtataguyod ng karapatang pantao. Aniya, “Your concern is human rights, mine is human lives.” Nakababahala ang pahayag na ito dahil ipinakikita nito ang maling pag-unawa sa karapatang pantao.

Una sa lahat, ang karapatang mabuhay ay isa sa mga batayang karapatan ng isang tao. Sa Article 3 ng Universal Declaration of Human Rights na pinirmahan at niratipika ng ating Bansa, nakasaad na “ang bawat tao’y may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng sarili.” Sa Ingles, “Everyone has a Right to life, Liberty, and Security of person.” Sa ating Saligang Batas, partikular sa Article III o Bill of Rights, nakasaad na walang sinuman ang maaaring bawian ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas o due process. Sa sinabi ng pangulo, inihihiwalay niya ang karapatang pantao sa ating karapatang mabuhay. Dapat nating ituwid ito. Sabi nga ni Bishop Ruperto Santos ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi maaaring paghiwalayin ang karapatang pantao sa ating karapatang mabuhay, at ang pagtataguyod ng karapatang pantao ay bahagi ng pagpapahalaga natin sa buhay ng bawat isa.

Pangalawa, lahat ay may karapatang mabuhay. Para kay Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan, patunay ang mga sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya itinuturing na “Human lives” ang buhay ng mga pinatay na umano’y sangkot sa droga at nanlaban sa mga pulis. At hindi kailanman sasang-ayunan ng ating Simbahan ang ganitong pangangatwiran. Itinuturing ng ating Santa Iglesia na usaping pangkalusugan ang paggamit ng mga tao ng ilegal na droga at kinakailangang bigyan ito ng lunas, hindi gamitan ng dahas. Rehabilitasyon ang kailangan ng mga gumagamit ng ilegal na droga, at noon pa man, katuwang na ang Simbahan ng pamahalaan sa paglutas sa problemang ito.

Panghuli, sa halip na inililigtas ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga ang buhay ng mga Pilipino, lalo pa itong ikinapapahamak ng ating mga kababayan. Sabi ng Pangulo, sinisira ng droga ang pamilya at kinabukasan ng mga kabataan—at tama naman ito—ngunit ilang bata pa ang kailangang mamatay upang makitang hindi ang kabataan ang nasa puso ng marahas na patakarang ito? Ilang Kian, Danica Mae, at Althea ang kinakailangang nakawan ng kinabukasan upang maituwid ang hindi makataong kampanyang ito?

Pagbabanta pa ni Pangulong Duterte, magpapatuloy ang walang-awa at madugong kampanya ng pamahalaan upang puksain ang ilegal na droga. Sa madaling salita, marami pa ang mamamatay, kaya’t dapat tayong manatiling mulat at matatag sa pagbabantay ng karapatan ng bawat isa sa atin na mabuhay.

Kung patuloy ang Pamahalaan sa pagpapalaganap ng kultura ng kamatayan, patuloy naman ang Simbahan sa pagpapaalalang sagrado ang buhay ng tao. Isa nga sa sampung utos ng Diyos ay “huwag kang papatay,” at malinaw na nilalabag ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, isang kampanyang lumalapastangan sa buhay ng tao.

Sabi nga ni San Ignacio de Loyola, na ang kapistahan ay ipinadiriwang natin ngayon, ipahayag natin ang pag-ibig sa Diyos sa ating gawa, hindi lamang sa salita. Hinahamon tayong ipakita ang ating pag-ibig sa Diyos, hindi lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang kalooban, ngunit sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating kapwang katulad natin ay may dignidad at karapatang mabuhay. Kung hindi maihihiwalay ang ating karapatang mabuhay sa karapatang pantao, hindi rin natin maihihiwalay ang pag-ibig natin sa Diyos sa pagmamahal sa ating kapwa, dahil sa mukha ng ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap na biktima ng madugong kampanya ito, natin makikita ang mukha ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 8,114 total views

 8,114 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 22,770 total views

 22,770 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,885 total views

 32,885 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 42,462 total views

 42,462 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 62,451 total views

 62,451 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 8,115 total views

 8,115 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 22,771 total views

 22,771 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,886 total views

 32,886 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 42,463 total views

 42,463 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 62,452 total views

 62,452 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 46,666 total views

 46,666 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 41,691 total views

 41,691 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,260 total views

 45,260 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 57,715 total views

 57,715 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 68,782 total views

 68,782 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,101 total views

 75,101 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 79,713 total views

 79,713 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,273 total views

 81,273 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 46,834 total views

 46,834 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,984 total views

 68,984 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top