Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpunyagian ang kapayapaan at katarungan

SHARE THE TRUTH

 1,346 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang Bangsamoro Organic Law o BOL. Sa halip na tawagin itong Bangsamoro Basic Law o BBL, ginawa itong Organic Law upang bigyang-diin ang pagiging alinsunod nito sa Saligang Batas, bilang tugon na rin sa mga nangangambang Unconstitutional ito. Para sa mga nagsusulong ng BBL, isang positibong hakbang ang BOL upang maituwid ang ilang dahilan sa likod ng deka-dekada nang Rebelyon sa ilang bahagi ng Mindanao.

Bahagi ang pagsasabatas sa BOL ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, isang kasunduang nilagdaan noong 2014 sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng pamahalaang Pilipinas. Kasama rin sa CAB ang iba pang mga kasunduan, katulad ng patungkol sa pagbabahagi ng yaman at kapangyarihan (o Wealth and power-sharing), sa pangangasiwa ng mga teritoryo, at sa paglalatag ng sistema upang maitatag ang pamahalaang Bangsamoro. Kuntento si MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar sa mga isinagawang bicameral sessions ng Kongreso bago lagdaan ng pangulo ang BOL. Ayon sa kanya, naisama naman ang mga nais nilang probisyon sa bagong batas. Nagsasagawa na sila ng mga pampublikong konsultasyon upang ipaalam at ipaliwanag ang BOL sa mga kapatid nating Bangsamoro at sa mga katutubong naninirahan sa mga lugar na itinuturing na bahagi ng Bangsamoro. Mahalaga ang pagtanggap sa BOL ng mga kababayan natin roon dahil ang pagtataguyod ng kanilang kapakanan at pagsusulong ng kanilang kaunlaran ang pangunahing diwa ng nasabing batas.

Bagama’t malayo tayong mga nasa Metro Manila sa rehiyon ng Bangsamoro, mahalaga ang ating pakikiisa sa mga kababayan natin doon. Magsisimula ito sa pagkilala sa katotohanang sa napakahabang panahon ay naiwan sila ng kaunlarang natatamasa sa ibang rehiyon ng Bansa. Dapat din nating kilalanin ang katotohanang hindi natin makakamit ang kabutihan ng lahat o ang common good hangga’t may mga kababayan tayong namumuhay sa kahirapan, karahasan, at kawalang katarungan.

Dalawa sa mahahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan—ang kapayapaan at katarungang panlipunan—ang maaari nating gamitin sa pagkilatis sa nilalaman ng BOL at sa pagpapatupad nito. Hindi mapaghihiwalay ang dalawang prinsipyong ito dahil ang kapayapaan ay bunga ng katarungan. Ayon pa kay Pope Paul VI, kung nais natin ng kapayapaan, pagpunyagian natin ang katarungan.

Ang katarungan ay ang pagkakaloob ng kung ano ang naayon sa Diyos at ating kapwa. Samakatuwid, ang pagsusulong ng tunay na katarungan sa Bangsamoro ay nangangahulugan ng pagkakaloob sa mga kapatid natin sa bahaging iyon ng Mindanao ng kanilang mga karapatan, ng pagtitiyak na hindi na muling mayuyurakan ang kanilang dignidad, at ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang magpasya para sa kanilang sarili at nang naaayon sa kanilang mga paniniwala at kultura. Malaking tulong ang BOL upang maisakaptuparan ito, ngunit higit na mahalaga sa pagtugon sa tawag ng batas na ito ay ang tamang pagtingin sa mga Muslim at Lumad bilang kapwa nating nilikha ng Diyos.

Tandaan din nating walang hahawak ng armas at magpapalaganap ng karahasan kung katarungan ang umiiral sa ating lipunan. Sabi nga sa Gaudium et Spes, ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng digmaan o kaguluhan. Hindi rin ito tungkol lamang sa pagpapanatili ng balanse ng kapangyarihan ng mga magkakatunggali. Ang kapayapaan ay gawain at mukha ng katarungan.

Mga Kapanalig, nawa’y tunay na kapayapaan at katarungan sa Bangsamoro ang hatid ng pagsasabatas ng BOL. Subaybayan natin kung paano ito ipatutupad ng ating pamahalaan. Tayo naman, sa ating munting paraan, ay maging bahagi sa pagtatanim ng punla ng kapayapaan sa ating kani-kaniyang pamayanan. Simulan natin ito sa pagturing sa ating kapwa—Muslim, Kristiyano, o Lumad—bilang kapantay natin sa dignidad at bilang kabahagi sa pagtatayo ng lipunang mapayapa at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,599 total views

 34,599 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 49,676 total views

 49,676 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 55,647 total views

 55,647 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,830 total views

 59,830 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,111 total views

 69,111 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 34,602 total views

 34,602 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 49,679 total views

 49,679 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 55,650 total views

 55,650 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 59,833 total views

 59,833 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,114 total views

 69,114 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,864 total views

 50,864 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,109 total views

 49,109 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,417 total views

 99,417 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,885 total views

 108,885 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,305 total views

 80,305 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,564 total views

 86,564 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,881 total views

 100,881 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,248 total views

 86,248 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,839 total views

 73,839 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,441 total views

 86,441 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top