186 total views
Apat na pung Pamilya mula sa Catmon dumpsite, Barangay Santulan Malabon ang hindi na ituturing bilang mga ‘Squatters’ o illegal settlers.
Pinangunahan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang misa kasabay ng isinagawang Ground Breaking Ceremony.
“It takes just one little community at a time,” ayon kay Bishop David.
Ito ay makaraang pasimulan na ng Diocese ng Kaloocan sa pakikipagtulungan ng Couples for Christ, CFC Ancop Global Foundation ang pagtatayo ng kanilang tahanan, ang San Miguel Ville Homes sa Malabon City.
“They will be producing their own hollow blocks, which will be called “holy blocks”, with assistance from Tanging Yaman Foundation. While they build their homes, they will also be assisted in building themselves as a community through a formation program for spiritual renewal, livelihood and scholarship,” ayon sa facebook post ni Bishop David.
Ayon kay Bishop David, ang mga pamilyang benepisyaryo ay magbabayad ng 1,000 piso kada buwan sa loob ng 200 buwan sa EMME Foundation.
Magiging katuwang din sa pagbuo ng 40 tahanan ang Diocese of Caloocan Urban Poor Ministry.
Sa tala ng Metro Manila Inter-Agency Committee higit sa 500 libo o 21 porsiyento ng 2.6 milyong household population sa Metro Manila ay kabilang sa tinatawag na informal settlers.
Dagdag pa ng Obispo sa pamamagitan ng paunti-unting hakbang at pagtutulungan ng komunidad ay mababawasan ang problema ng ‘Squatters’ sa Pilipinas.