176 total views
Nararapat bantayan ng mamamayan ang kasalukuyang kaso sa Ombudsman laban kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa anak nitong si Paolo Duterte sa isyu ng tagong yaman at pagkaka-ugnay sa kalakalan sa ilegal na droga sa Bansa.
Ito ayon kay Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) Director of Policy Studies Prof. Bobby Tuazon ang hamon sa mamamayan ng pagpapalit ng liderato ng Ombudsman.
Paliwanag ni Tuazon, dapat na bantayan ng mamamayan ang kahihinatnan ng pending charges laban sa mag-amang Duterte sa Ombudsman partikular na ang sinasabing tagong yaman ng mga ito at kaugnayan sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa Bansa.
“Ngayon may mga kaso kasi na pending sa Ombudsman laban sa Presidente mismo at laban kay Paolo Duterte may mga pending cases dyan sa Ombudsman, So tingnan natin kung sa pamamagitan ng presensya ng Ombudsman ay magkakaroon ng pagbabago o ano yung kahihinatnang dito sa mga Pending Charges laban sa mga Duterte yung unquestion wealth ni Rodrigo Duterte saka yung iba pang mga kaso laban kay Paolo Duterte,” ang bahagi ng pahayag Tuazon sa panayam sa Radyo Veritas.
Inihayag ni Tuazon na hindi na nakapagtataka ang pagtatalaga ng Pangulo kay Supreme Court (SC) Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman na bumoto pabor sa pagpapatalsik sa posisyon kay former Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Sa walong bumoto ng pabor sa petisyon ang anim na mahistradong nauna ng tumestigo sa Kongreso laban kay Sereno na sila Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Samuel Martires.
“Hindi rin surprising yun dahil syempre pinili ni President Duterte si Martires yung isang head ng isang Ombudsman na tingin niya ay friendly sa Malacañang, ang record ni bagong Ombudsman Martires ay kumampi siya laban kay Chief Justice Sereno yung Quo Warranto,” dagdag pa ni Tuazon.
Sa mensahe ni Pope Francis sinasabi nitong ang pagkakapantay-pantay sa katarungan ay para sa lahat at hindi magkakaroon ng kapayapaan kung hindi iiral ang katarungan.