221 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila Segunda Mana ang mga mananampalataya na patuloy na suportahan ang proyektong ito ng Simbahang Katolika.
Ito ay kaugnay sa pagbubukas ng ika-8 Segunda Mana Expo na gaganapin bukas, ika- 17 ng Agosto sa Riverbanks Center, Barangka, Marikina City.
Layunin ng Segunda Mana Expo na mas maipakilala sa publiko ang Segunda Mana-ang donation in-kind program na layong makatutulong sa mga kabataang walang kakayahang mag-aral dahil sa kakulangang pinansyal.
Mabibili sa naturang ‘Expo’ sa mababang presyo ang iba’t ibang kagamitan tulad ng damit, sapatos, bag, at iba pa na Donasyon mula sa iba’t ibang Organisasyon, Simbahan, mga Kumpanya at kilalang personalidad sa Bansa.
Maari ring bisitahin ang mga Segunda Mana Charity outlets sa bansa na may 32 sangay sa Metro Manila kabilang na rin ang kabubukas lamang na tindahan sa Western Visayas sa Iloilo City.
Higit na 5,000 kabataan ang napagtapos sa Kolehiyo ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership Program (YSLEP).
Ngayong taon, 5,000 scholars sa Kolehiyo ang patuloy pa ring sinusuportahan YSLEP project ng Caritas Manila.
Ang sholarship program na ito ng Simbahang Katolika ay bukas para sa lahat ng mga kabataan maging sa ibang pananampalataya tulad ng mga Muslim.