Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the 14th anniversary of Pondo ng Pinoy Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

 275 total views

Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Mass for the 14th anniversary of Pondo ng Pinoy
Manila Cathedral
August 12, 2018

My dear brothers and sisters in Christ, we render to God thanksgiving and gratitude for this day. Every Sunday is a celebration of the triumph of God’s love, mercy and compassion over sin and death in the resurrection of Jesus. And this Sunday, we mark also one sign of the goodness of God which is the “Pondo ng Pinoy” fourteen years old na po ang Pondo ng Pinoy.

Teenager na, hindi na sanggol, hindi na paslit na bata, teenager na. Ano kaya ang mangyayari? Magpa-party kaya nang walang katapusan ang Pondo ng Pinoy? Magti-text na lang kaya nang magte-text ang teenager na Pondo ng Pinoy? Tatakas kaya ng bahay ang Pondo ng Pinoy? Magre-rebelde kaya sa magulang ang teenager na Pondo ng Pinoy?

Nasa atin po ang sagot diyan. But we thank God for this evangelization movement and we thank God for sending to us Cardinal Gaudencio Rosales who gave us the inspiration and now has become a movement not only in the Archdiocese of Manila but in other dioceses.

At ang atin pong mga pagbasa ay mayroong malaking sasabihin tungkol sa buhay Kristiyano lalo na sa ating pagiging taga-taguyod ng Pondo ng Pinoy.
But before going to the readings, I invite everyone to please be united with our brothers and sisters who have been affected by the rains, by the floods, by walls that have collapsed, churches, chapels that cannot be used today. So may I invite you to a period of silence, let us pray for them, let us unite ourselves with them.

Salamat po at sa buong misa ay kasama rin natin sila sa ating pagdarasal at mga intensyon pati na rin po ang kalikasan. Ipagdasal po natin, humingi rin tayo ng tawad sa ating kakulangan ng pag-aalaga sa kalikasan at kapag nasira ang kalikasan, ang buhay ng tao lalo na ang mga kapos palad laging nanganganib.

Let us go to the readings, sa mga pagbasa and let me relate the readings to the two words: Pondo at Pinoy.

First, Pondo. May pondo ka ba? Ibig sabihin kalimitan mayroon ka ba diyang naipon? Mayroon ka ba diyang mahuhugot kapag nangailangan ka? O kaya naman kapag mayroon kang gusto. The symbol of Pondo ng Pinoy is that 25 centavo na sa tingin ng iba, insignificant pero sabi nga ng ating motto, kapag nanggaling sa puso na iyong iniaalay at ginagawa mo palagi kahit maliit naku hindi ka lang pupuntang langit, darating na ang langit dito.

Ang langit hindi lang in the future, ngayon pa lang. Pondo, bente-singko pero ‘yun ba talaga lang ang pondo ng pinoy? Kung titingnan po natin ang pinaka-pondo natin ay ang salita ng Diyos na kapag tinanggap, pinaniwalaan, isinabuhay ay magiging kayamanan. Iyan po ang nakikita natin sa tatlong pagbasa. Sa unang pagbasa, ang propeta Elias ay nagkaroon ng krisis. Siya po sumusunod sa Diyos, naging propeta subalit nanganib ang kanyang buhay pinagtatangkaan siya ng isang napakamakapangyarihan, ang Reyna na si Dyesebel.

Sa krisis na iyan tumakas si Elias para isalba ang kanyang buhay pumunta siya sa disyerto katulad ng Israel nung tumakas sa Ehipto pumunta sa disyerto. At doon sa disyerto gusto na ni Elias mamatay parang mas mabuti pang mamatay dito kaysa patayin ni Dyesebel subalit nagpadala ang Diyos ng anghel na may dalang pagkain, tinapay at inumin. Sabi ng anghel, hoy tumayo ka, kumain ka. Kumain naman, pagka-kain, higa ulit. Gusto na talagang mamatay. Pero sabi ng anghel tayo! kumain ka kasi malayo pa ang lalakbayin.

Nakinig si Elias sa mensahe ng Diyos na ipinahihiwatig sa pamamagitan ng Anghel. Kinain ni Elias ang pagkain na padala ng Diyos at siya’y nagbago. May bagong lakas, nag-misyon, apatnapung araw naglakad hanggang sa bundok ng Horeb, bundok ng Sinai. Di ba sa Sinai doon isinilang ang bayan ng Diyos Israel? Ngayon, isisilang na muli si Elias sa bundok ng Sinai bagong tipan sa Diyos.

Ano ang kanyang pondo? Ang salita ng Diyos. Tumayo ka, ang pagkain na bigay ng Diyos, ang inumin na bigay ng Diyos. Ganyan din po ang nangyari sa ebanghelyo, nagka-krisis ang mga nakikinig kay Kristo. Sabi ni Kristo, ako ang tinapay na galing sa langit. Nagka-krisis sila, nakita nila, aba hindi naman ito mukhang tinapay. Nakita nila ang pagkatao ni Hesus. Anak yan ni Jose, anak yan ni Maria. Bakit niya sinasabing galing siya sa langit?

The incarnation caused a crisis, they could not believe that in the simple flesh and blood, son of a carpenter, that this person could have come from God from above. At sila ay nagbulung-bulungan. Ano ang sabi ni Hesus? Itigil ninyo ang bulung-bulungan ninyo. Stop murmuring among yourselves.

Mga kapatid, yan pa naman ang past time ng mga Filipino, bulungan bulungan, chismisan chismisan, murmur murmur, murmur murmur. Sabi ni Hesus stop murmuring! Baka sabihin niyo sa akin, tumahimik ka na rin diyan. Malinaw yan sabi ni Hesus, stop murmuring! Ano ang dapat gawin? Sabi niya walang makakatanggap sa akin hangga’t hindi pinadadala ng Ama. Pero papano iyon? Sabi niya “Everyone who listens to my Father and learns from Him comes to me.

Sabi ni Hesus, kaya hindi niyo ako matanggap murmur kayo nang murmur diyan. Pinag-chi-chismisan ninyo ako. Makinig kayo sa Diyos Ama, makinig kayo sa salita ng Diyos at kapag natuto kayo sa sinasabi ng Ama, matatanggap ninyo Ako.

Just like Elijah, the word of God, listening to the word of God can transform people. At kapag natanggap na ng mga tao ang salita ng Diyos, matatanggap si Hesus at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Buhay, ang pondo salita ng Diyos na magbibigay buhay. At kapag nangyari po iyon, ngumiti kayo nakikita kayo sa camera, nasa TV Maria tayo at sa Radyo Veritas.

Kapag natanggap ang salita ng Diyos katulad ni Elias, pondo sa lakas, sa misyon. Kapag tinanggap ang salita ng Diyos, matatanggap si Hesus patungo sa buhay na walang hanggan. Anong mangyayari sa atin? Sabi po sa ikalawang pagbasa ni San Pablo sa mga taga-Efeso, kapag tinanggap na si Hesus nang may pag-ibig, bagong pagkatao na rin. Dapat yung luma ay maalis na, bitterness, fury, anger, shouting, reviling, dapat maalis.

Hindi iyan katangian ng mga taong nakinig sa salita ng Diyos at tinanggap si Hesus. Galit, poot, pambubulyaw at masasamang salita, hindi iyan galing sa pananampalataya. Ano raw ang nangyayari sa tao na tinanggap na si Hesus at kanyang salita? They will be kind to one another, compassionate, forgiving towards one another. Kapag ang pondo ay ang salita ni Hesus at si Hesus mismo, ang buhay ay magiging kabutihan sa kapwa, pagdamay, pang-unawa, pagpapatawad.

Pondo ng Pinoy, bente-singko pero yun po ay simbolo. Ang ating ipunin kumbaga bilang malalim na pondo natin ay ang salita ng Diyos na siyang baon natin sa mga krisis sa buhay ‘yan ang ating baon na magbibigay ng bagong sigla para isakatuparan ang misyon, para mabago ang buhay, mabago ang kultura at ang marahas na mundo ay makaranas ng pag-ibig, pagdamay, habag ng Panginoon.

Kaya lagi po nating sinasabi na sa Pondo ng Pinoy hindi sapat yung nag-iipon ng bente-singko, kailangan may catechesis, may evangelization, pakikinig sa salita ng Diyos para mabago ang kultura, pagkatao at buhay. At bilang pagwawakas, ano ang mangyayari sa Pinoy kapag ang pondo ay ang salita ng Diyos? Wow! Balik lang ako sa ikalawang pagbasa, ang tao na ang pondo nya si Hesus, ang saligan si Hesus, hindi nagsasalita nang nananakit sa kapwa, hindi nang-iinsulto, hindi nag-aalimpuyos o nag-aapoy sa galit. Ayaw natin na ang Pinoy ay ganoon. Ang gusto nating Pinoy ay yung sinasabi ni San Pablo – mabuti, mabait, mapagkawang-gawa, mapagpatawad sa kapwa dahil kayamanan niya si Hesus at ang salita ng Diyos.

Ang final na produkto ng Pondo ng Pinoy ay ang marangal na Pinoy. Marangal dahil marunong umibig, marunong dumamay, bukas ang mata at puso sa kapwa. Ang marangal na Pinoy hindi individualistic. Ang marangal na Pinoy hindi sarili ang itinataguyod. Ang marangal na Pinoy hindi magaspang ang pag-uugali. Ang marangal na Pinoy hindi nambubusabos. Ang marangal na Pinoy katulad ni Kristo.

Labing-apat na taon na si Pondo, palakihin natin para maging adult. Kaya yung mga Pondo ng Pinoy sa parokya na talagang parang teenager minsan nagre-rebelde, minsan mas gusto nagpa-party, ganon. Gabayan para mag-mature. At ilang taon na lang hindi na teenager, pagdating ng twenty, wow, young adult na. Ihanda na natin ang teenage pondo sa kanyang maturity. At sana makita natin ang mga Pinoy na tunay na Pinoy dahil ang pondo, pundasyon ay ang salita ni Kristo, ang kanyang katawan at dugo.

Tayo po’y tumahimik sandali at ating ibukas ang ating sarili sa salita ng Diyos na magbibigay buhay at magbibigay sa atin ng panibagong sigla sa misyon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,458 total views

 34,458 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 49,114 total views

 49,114 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,229 total views

 59,229 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,806 total views

 68,806 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,795 total views

 88,795 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,942 total views

 6,942 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,941 total views

 6,941 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,899 total views

 6,899 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,911 total views

 6,911 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,952 total views

 6,952 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,909 total views

 6,909 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,995 total views

 6,995 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,879 total views

 6,879 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,873 total views

 6,873 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,946 total views

 6,946 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,091 total views

 7,091 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,926 total views

 6,926 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,974 total views

 6,974 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,934 total views

 6,934 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,892 total views

 6,892 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top