166 total views
Ikinagalak ng Obispo ng Antipolo ang pagkakaroon ng Segunda Mana sa kaniyang Diocese.
Ayon kay Bishop Francis De Leon, malaki ang naitutulong ng Segunda Mana program ng Caritas Manila sa mga Benepisyaryo nito lalo sa mga kabataang tinutulungang makapag-aral.
“Okay at aprub na aprub ako sa layunin at ginagawa ng Segunda Mana sapagkat ang mga nabibili dito ay mga donation lamang. Ang mga proceeds dito ay ginagamit pampapaaral ng mga estudyante kaya’t ako’y natutuwa na yung sa mga nagdodonate ay nakapagpapaaral sila ng mga estudyante.” pahayag ni Bishop De Leon sa Radio Veritas.
Ibinahagi din ng Obispo na maging siya ay nagpapaabot ng Donasyon sa Segunda Mana ng mga gamit na maari pang mapapakinabangan.
Dahil dito inaanyayahan ni Bishop De Leon ang mga mananampalataya na tangkilikin ang mga produktong ibinebenta ng Segunda Mana dahil sa ganitong paraan ay nakatutulong ang mamamayan sa mga mag-aaral na benipisyaryo ng Youth Servant Leadership Program, ang Scholarship program ng Caritas Manila na kasalukuyang may mahigit sa 5, 000 kabataang benepisyaryo.
“Mga kapanalig kayo ay aking inaanyayahan na sumuporta sa ating Segunda Mana sapagkat maganda po ang layunin nito.” dagdag ng Obispo.
Bukod ditto, hinimok din ng Obispo ang bawat isa na mag-donate ng mga kagamitang hindi na ginagamit sa bahay tulad ng mga damit, sapatos at maging mga kasangkapan na kapaki-pakinabang pa upang mas lalago pa ang proyektong ito ng Simbahan.
Kasalukuyang ginaganap ang ika – 8 ng Segunda Mana Expo sa Riverbanks Center, Barangka Marikina City simula ngayong araw na ito ika – 17 ng Agosto at tatagal hanggang ika – 19 ng Agosto.