284 total views
Hindi puwersahan kundi kusang pagbibitiw ang pag-alis sa posisyon ng isang Santo Papa na siyang pinakamataas na Opisyal ng Simbahang Katolika.
Ito ang paglilinaw ni Father Jerome Secillano, isang Canon lawyer at kasalukuyang Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs.
Nilinaw ni Father Secillano na sinasabi sa batas ng Simbahan na kailangang malaya at kusang magbitiw ang isang Santo Papa.
“The resignation of a Pope is not something forced on him. The law of the Church says that he should do it freely and should be properly manifested,” ayon kay Fr. Secillano.
Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa panawagan para sa pagbibitiw ng Santo Papa Francisco dahil na rin sa usapin ng clerical sexual abused at ang pagtatakip sa mga may kinalaman.
“These are allegations against Pope Francis. Anything of such nature needs proof or at least corroboration. In all cases, it’s always easy to allege but it’s certainly difficult to prove especially if it’s not true,” ayon kay Fr. Secillano.
Iginiit ng Pari na mas madaling mag-akusa subalit dapat itong may kaakibat na ebidensya laban sa inaakusahan.
Pebrero taong 2013 nang magbitiw bilang lider ng Simbahan si Pope Benedict the 16th dulot na rin ng paghina ng kaniyang kalusugan.
Hinirang naman bilang ika-266 na Santo Papa si Cardinal Jorge Mario Bergoglio na kilala ngayon bilang si Pope Francis.