549 total views
Ang paghingi ng patawad sa Panginoon at sa mga nagawan ng kasalanan ang tanging paraan upang maituwid ang anumang pagkakasala ng bawat isa.
Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa usapin ng pagkakabunyag sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.
Ayon sa Obispo, bagamat mayroong kahinaang tinataglay ang bawat isa ay hindi naman ito sapat na dahilan upang hindi na pagharian ng Panginoon ang buhay ng tao.
Ipinaliwanag ni Bishop Famidico na mula sa paghingi ng tawad at pag-amin sa nagawang kasalanan ay dapat ding lumapit at tumawag ng tulong ang mga nagkasala upang masumpungan ang natatanging awa at habag ng Panginoon.
“Humingi ng patawad sa Diyos at humingi ng patawad din sa isa’t isa ito ay mahalaga sapagkat ngayon sa mga news ay muling naibabalik yung mga Scandal, yung mga Abuses ng mga Pari. Tanggapin yung mga nagawang pagkakasala at mula doon at sa tulong at awa ng Diyos ay muling Bumangon.” Pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.
Matatandaang nauna ng inihayag ng Obispo na isang hamon at ‘Wake-up Call’ para sa mga Filipinong Pari at Obispo ang pagkakabunyang sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan upang mas maging tapat at ‘transparent’ sa lahat ng mga gawain.
Hiniling din ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valle sang pagdarasal at pag-aayuno sa kinasasangkutang eskandalo ng Simbahan.
Read: CBCP, Babalikan muli ang Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy
Sa kanyang editorial, iginiit ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na dapat kilalanin at iwasto ang mga pang-aabuso ng mga alagad ng Simbahan.