Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na tinatamaan ng krisis sa bigas

SHARE THE TRUTH

 632 total views

Mga Kapanalig, maituturing nang krisis ang kakulangan ng murang bigas sa bansa. Nagsimula ito noong nakaraang taon pa, matapos aminin ng National Food Authority o NFA na limitado na ang imbentaryo nito ng bigas na binibili mula sa ating mga magsasaka. Kaya naman inatasan noon ni Pangulong Duterte ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasakang palakihin ang kanilang produksyon.

Mukhang hindi naging sapat ang tulong nakarating sa mga magsasaka kaya’t humantong tayo sa kasalukuyang krisis sa bigas. Gayunman, sa kabila ng malinaw na kakulangan ng suplay ng bigas na sanhi ng pagtaas ng presyo nito sa pamilihan, iginiit ni Agriculture Secretary Manny Piñol na labis-labis pa ang stock ng bigas sa bansa nitong unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakakukuha ang NFA ng sapat na suplay ng bigas mula sa ating mga magsasaka ay ang napakababang presyong iniaalok ng ahensya. Sino ba namang magsasaka ang gaganahang magbenta sa gobyerno kung 17 piso lamang kada kilo ang bili sa kanyang pinaghirapang itanim at anihin? Kaya’t mas praktikal sa mga magsasakang ipagbili ang kanilang bigas sa mga pribadong negosyanteng nag-aalok na bilhin ang bigas sa presyong mas mataas nang hanggang limang piso kada kilo; maliit pa rin iyon kung tutuusin. Samantala, maraming negosyanteng hindi inilalabas sa pamilihan ang kanilang stock dahil hinihintay nilang umabot ang presyo ng bigas sa halagang kikita sila nang mas malaki. Sa ganitong kalakaran, panalung-panalo ang mga negosyanteng hindi man lang nagbanat ng buto; talung-talo naman ang ating mga magsasakang nagkanda-kuba na sa pagtatanim at pag-aani.

Iba pang isyu ang pag-import o pag-angkat ng bigas ng pamahalaan upang tumaas ang supply, na makapagpapababa naman ng presyo nito. Hindi kasi magkasundo ang direktor at konseho ng NFA kung paano tayo aangkat ng bigas, at humantong ito sa puntong ipinabubuwag na ng pangulo ang konseho, mapabilis lamang ang pag-angkat ng bigas. Nais naman ng ilang mambabatas na magbitiw sa puwesto ang direktor at buong pamunuan ng NFA. Masusolusyonan kaya ng pagbibitiw ng mga ito ang problema natin sa bigas? Sa halip na pagbitiwin, marapat munang papanagutin sila sa pagkaubos ng pondo ng NFA dahil, ayon na rin sa ulat ng Commission on Audit, inuna ng pamunuan ng NFA na bayaran ang mga utang nito sa halip na bumili ng bigas at ayusin ang mga bodega nito sa mga probinsya upang hindi masira ng peste o bukbok ang mga naka-stock na bigas.

Habang nagbabangayan ang mga taong-gobyerno at patuloy ang kasakiman ng mga negosyante, nagdurusa ang maliliit na magsasaka at mga ordinaryong mamimili. Sa kaso ng mga magsasaka, bukod sa binabarat sila sa presyo ng bigas, hindi sila nakatatanggap ng sapat na tulong mula pamahalaan upang palaguin ang produksyon ng bigas, gaya ng irigasyon, mga binhi at pataba, maayos na imprastraktura, at abot-kayang pautang para sa puhunan.

Sa kaso naman ng mga mamimili, hindi na nila malaman kung paanong paghihigpit pa ng sinturon ang kailangan nilang gawin upang makabili ng bigas na maisasaing. Nitong nakaraang linggo lamang, umabot sa hanggang 80 piso kada kilo ang presyo ng bigas sa Zamboanga at Basilan! Magkaroon man ng mas murang NFA rice sa mga palengke, limitado lamang sa ilang kilo ang maaaring bilhin ng bawat mamimili. Mahaba rin ang pila sa mga bilihan ng NFA rice dahil ito na lamang ang pasók sa badyet ng mga mahihirap.

Mga Kapanalig, sinasalamin ng krisis sa bigas ang hindi makatarungang pagbabahaginan natin ng biyayang kaloob sa ating ng Diyos. Ipinakikita rin nito ang pagsasantabi sa mga dukha na biktima ng pananamantala ng mga sakim na negosyante at ng kapabayaan ng pamahalaan. Malalampasan natin ang krisis na ito kung kikilos ang pamahalaan sa lalong madaling panahon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,076 total views

 20,076 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,732 total views

 34,732 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 44,847 total views

 44,847 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 54,424 total views

 54,424 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,413 total views

 74,413 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 20,077 total views

 20,077 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,733 total views

 34,733 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 44,848 total views

 44,848 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 54,425 total views

 54,425 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,414 total views

 74,414 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,713 total views

 47,713 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,738 total views

 42,738 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,307 total views

 46,307 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,762 total views

 58,762 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,829 total views

 69,829 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,148 total views

 76,148 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,759 total views

 80,759 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,319 total views

 82,319 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,880 total views

 47,880 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,257 total views

 69,257 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top