177 total views
Hindi nananahimik ang Simbahan sa mga kaso ng sexual abused na kinasasangkutan ng mga Pari.
Ito ang tiniyak nina Carlos Antonio Palad at Father Abraham Arganiosa ng Defensoris Fidei sa programang Truth Forum ng Radio Veritas.
“The Pennsylvania report, kaya natin nalaman yan, yan ay Koleksyon ng mga pangyayari na nasa Korte. Kapag ang isang bagay ay nasa korte na ay hindi iyan itinago. Ang ibig sabihin na the fact na ang mga cases na ‘yan ay nasa Korte at hinahayaan ng Simbahan na umusad proseso at ang trials, hindi natin ‘yan itinatago hinarap natin,” ayon kay Fr. Arganiosa.
Ipinaliwanag ng pari na oras na naisampa sa korte ang kaso ay nangangahulugang hindi ito pinagtakpan ng Simbahan at sa halip ay hinayaan ang prosesong sibil.
Binigyan diin ng Pari na sa batas ng Simbahan ay mahigpit ang panuntunan na bukod sa church law, mahaharap din ang sangkot sa kasong kriminal sa Civil Law.
Sinabi naman ni Palad na ang mga kasong lumutang sa Ireland at Pennsylvania ay tinipong kaso ng korte na ang karamihan ay higit na sa 50 taon.
Sa Pennsylvania report, tatlong daang mga Pari ang isinasangkot sa may 1,000 sexual clerical abused case.
Unang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa lahat na makibahagi sa pananalangin at pag-aayuno para sa pagbabalik loob sa Panginoon sa kabila ng mga eskandalo ng clerical sexual abused sa Estados Unidos, Chile at Ireland.
Naglabas na rin ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis.
Kasama rin sa pahayag ang pagtiyak na walang ‘Cover Up’ sa mga kaso ng pang-aabuso.
Read more: CBCP, Babalikan muli ang Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy