247 total views
Ito ang kahilingan ni Bishop Nolly Buco, kasabay kanyang Ordinasyon bilang Auxiliary Bishop ng Diocese ng Antipolo.
Ayon kay Bishop Buco, bagamat siya naordinahang Obispo ay mayroon din itong mga kahinaan bilang tao kaya’t mahalaga ang panalangin ng sambayanan ng Diyos.
“Bilang tao din, hindi naman nawala yung pagiging tao ko, may mga kahinaan ako so kinakailangan ko rin ang mga panalangin lagi na maging matatag ako at maging matibay sa aking pagkapari at bilang katuwang na Obispo rin.” Pahayag ni Bishop Buco sa Radio Veritas.
Bagamat hindi niya inaasahan ang pagkakatalagang Obispo ay nagpasalamat ito sa biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa kabila ng kaniyang pagiging hindi karapatdapat.
Buong kapakumbabaang loob na tinanggap nito ang hamon ng pagiging Obispo.
“Ako’y nagagalak at natutuwa na talagang yung presensiya ng Diyos sa kahiwagaan, in his mysterious ways di ko naman talaga to akalain na akoy mahirang bilang katuwang na Obispo dahil alam ko ang aking limitasyon at unworthiness pero gayunpaman nakita ko how God truly mysteriously manifests His care, love sa aking buhay.” dagdag ng Obispo.
Mahalaga para kay Bishop Buco ang araw na ito ng kaniyang Ordinasyon lalo’t kasabay nito ang pagdiriwang ng kaarawan ng Mahal na Inang Maria na itinuring niyang Spiritual Mother.
Tiniyak naman nito na bilang katuwang na Obispo ng Diocese ng Antipolo ay susunod ito sa mga ipinatutupad ng Obispo ng Diyosesis.
“Normally bilang katuwang I’ve always at the Mercy and in accord with the program of the Bishop, so always in Conformity with his will for the Good of the Church.” pahayag ni Bishop Buco.
Si Bishop Buco na 54 na taong gulang ay itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco bilang Auxiliary Bishop ng Diocese ng Antipolo noong ika – 10 ng Hulyo at magiging katuwang sa pangangasiwa sa mahigit 3 milyong mananampalataya sa nasabing Diocese.