254 total views
Ito ang naging pahayag ni IBON Foundation executive director Sonny Africa matapos lumabas sa imbestigasyon ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) noong April 3, 2016 na napapabilang sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ang kanyang tatlong anak, maging si Senator Joseph Victor “JV” G. Ejercito.
Paliwanag ni Africa na hindi maikakaila ang layunin ng mga pulitiko na magpayaman sa pamamagitan ng legal na offshore accounts gamit ang mga nakaw na salapi.
“Kahit na po technically walang illegal dun sa paggamit sa offshore holdings, mas problema dito yung motibasyon nila sa paggamit ng offshore accounts. Lalo sa usapin ng Marcos Family na napatunayan na napakaraming nakuha dun sa kaban ng taumbayan at maging dun sa corruption cases laban sa Ejercito – Estrada Family mukhang pwede natin sabihin na ginagamit nila bigay ng pamahalaan na offshore account para itago ang kanilang mga iligal na kinita sa mahabang panahon habang nasa poder,” pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Insultong maituturing ni Africa na gamitin ng kilalang mga anak ng dating corrupt presidents ang mga pera na ninakaw ng kanilang mga ama at pinagkakakitaan gamit ang mga offshore accounts.
“Sa tingin namin napaka–kwestiyunable ‘yung ganun kalaking tinatagong kaperahan ng dalawang pamilyang yan na ginagamit yung bagamat legal ‘yung offshore account pero ‘yun nga po pera ‘yan nakuha sa iligal na paraan,” giit pa ni Africa sa Radyo Veritas.
Sa datos ng ICIJ database, tinatayang 572 mga mayayaman na pulitiko ang ilan sa mga kliyente ng mga offshore holdings.
Nauna na ring ipinalala ni Pope Francis na iwasan ang pagtanggap ng donasyon mula sa maruming pera na nanggaling sa korapsyon at katiwaliaan.