231 total views
Puspusan na ang paghahanda ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa inaasahang matinding epekto ng bagyong Ompong sa Pilipinas.
Pinaalalahanan Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng Komisyon ang mga Diyosesis sa Northern Luzon na lubhang maaapektuhan ng Super Typhoon.
Dagdag pa ng Pari, isinaayos na din ng bawat Social Action Centers ang gagamitin nitong alternatibong linya ng komunikasyon, ipamimigay na mga relief goods at disaster protocols sa oras na manalasa na ang bagyong Ompong.
“From time to time may ilalabas kaming mga Advisory, meron na din tayong Emergency protocol sa Disaster sa kung ano yung mga dapat gawin… Binigyan din namin ng warning ang mga Dioceses sa Norte na ito’y hindi pangkaraniwang bagyo lang at kinakailangan ng ibayong paghahanda.” Bahagi ng pahayag ni Father Gariguez sa Radyo Veritas.
Naniniwala naman ang Pari na mas nahanda na ang mga Diyosesis sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.
Tiniyak pa ni Father Gariguez na nakaantabay ang pondong mula sa Alay Kapwa sakaling mangailangan ng karagdagang tulong ang mga lugar na maaapektuhan.
“Dahil dito sa mga ginawang paghahanda, sa tingin ko mas-ready at mas makakapagbigay ng karampatang tugon ang mga Dioceses kahit na may malakas na bagyo at ganun din nakaready rin an gating pondo mula sa ating Alay Kapwa na incase na mangailangan ay madali nating ma-mo-mobilize.” Dagdag ng Pari.
Samantala, ibinahagi ni Father Gariguez na nagsasagawa ngayong Septyembre ng Caritas Learning Exchange ang Caritas Philippines at Caritas Nepal sa Palo at Batangas.
Binisita ng may 28 kinatawan ng Caritas Nepal ang mga naturang lugar upang pag-aralan ang mga pagtugon na ibinigay dito ng CBCP NASSA/ Caritas Philippines.
Inihayag ng Pari na tamang-tama ang gagawing Obserbasyon ngayon ng Caritas Nepal sa paparating na bagyong Ompong sa bansa.
Umaasa ang pari na magiging maayos ang kooperasyon ng bawat Diyosesis at ng CBCP NASSA/Caritas Philippines upang maiwasan ang malubhang epekto ng bagyo mamamayan.
“Timing na timing magbabagyo ito parang practicum ito, yung pag-aaral, titingnan nila yung mga ginagawa sa Diocese. Yun yung isang maipagmamalaki natin sa Pilipinas kasi yung iba central office lang ang gumagalaw naka sentro sa kanila yung mga trabaho, pero tayo ang kagandahan natin, yung mga Diocese ay kayang asahan at sila’y kayang gumalaw,” pahayag ni Father Gariguez.
Naunang nananawagan ng panalangin ang mga Obispo para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Read: Archdiocese of Palo, nanawagan ng panalangin para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo
Read: Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong
Read: Diocese ng Batanes, humihingi ng panalangin sa paglandfall ng bagyong Ompong