201 total views
Dismayado ang Church group sa kawalan ng tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga hinaing ng mga mahihirap sa naganap na ‘One on one’ interview sa pagitan ng Pangulo at ni Chief Presidential Counsel Salvador Panelo sa Malacañang.
Ayon kay Promotion of Church Peoples Response (PCPR) Spokesperson Nardy Sabino, hindi tinalakay ng Pangulo ang mga hinaing ng bayan partikular na ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, mababang sahod ng manggagawa at ang kawalan ng katarungan ng mga nasawing biktima ng drug related killings.
“Actually wala siyang tinalakay sa mga inihahain sa kanya ng Bayan, yung pagtaas ng presyo ng bilihin, o yung kakulangan sa sahod, sa Serbisyo ng mamamayang Filipino. Hindi niya sinagot yung reklamo ng maraming nanay at kapamilyang nawalan ng mga Anak, ng Ama at Ina, wala siyang sinagot tungkol sa hinaing ng mga mahihirap,” ang bahagi ng pahayag ni Sabino ng PCPR sa panayam sa Radyo Veritas.
Read: Talk show ng Pangulong Duterte at Panelo, Propaganda lang ayon sa grupo ng manggagawa
Itinakda naman ng United Peoples’ Action, kasama ang iba’t ibang grupo kasama ang PCPR sa isasagawang kilos protesta sa Luneta sa paggunita ng ika-46 na taon deklarasyon ng Martial Law.
Layunin ng pagkilos ang patuloy na pagtutol ng grupo laban sa Diktadurya at karahasan sa lipunan.
Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ipinaalala niya sa mga Pulitiko at pinuno ng bawat pamahalaan na maging saksi ng pananampalataya sa pagsasabuhay ng kabutihan ng nakakarami sa kaniyang nasasakupan.