2,397 total views
Personal na nagpaabot ng pakikiramay at pagsuporta si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga residenteng naapektuhan ng matinding landslide sa Naga City, Cebu.
Ayon sa Arsobispo, bibisitahin niya ngayong araw ang naiwang pamilya ng mga nasawi mula sa trahedya at mga residenteng mayroon pang nawawalang kapamilya upang makiramay at patatagin ang kanilang kalooban.
Bukod sa panalangin, sinabi ni Archbishop Palma na tutukuyin din niya sa kanyang pagbisita ang mga maaari pang maitulong ng simbahan bilang suporta sa mga naulilang pamilya.
“I am scheduled to pay a visit to the Naga itself to the family, siguro I would have more chance to have direct conversation with members of the family specially to the bereaved and certainly we will bring our support and of course in various ways. At the moment, prayers and of course encouragement to the family and again an opportunity to deal more honestly with the situation and see how we can not only console but also support the family of the victims.” Bahagi ng pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.
Iginiit naman ng Arsobispo na ang pangyayaring ito ay hindi dapat ipagwalang bahala at dapat muling suriin ang dinadalang negatibong epekto sa kalikasan at sa pamayanan ng mga tinatawag na “development.”
Aniya, alam na ng mga tao ang panganib na dala ng mga bagyo at malalakas na pag-ulan subalit dapat din na muling masusing siyasatin ang naidudulot ng malawak na pagpuputol ng mga puno, quarrying at mining na sinasabing nagdadala ng pag-unlad sa bansa.
“We are aware of, you know, the effects of typhoon, pero on the other hand we are also aware of the danger caused by, of course all of these landslide due to quarrying and logging and therefore it’s an opportunity for us to reexamine the consequences of the so called “development” also caused by mining or quarrying for that matter.” Dagdag pa ni Abp. Palma.
Sa huling ulat ng Naga City Police, mahigit na sa 20 ang mga kinilalang labi na nakuha mula sa gumuhong bundok.
Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operation ng lokal na pamahalaan at mga volunteers sa Naga City, Cebu.