Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wastong tugon para makamit ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 181 total views

Mga Kapanalig, ginunita kahapon, ika-23 ng Setyembre, ang ika-46 na taóng anibersaryo ng pagsasailalim ng diktador na si Ferdinand Marcos sa buong bansa sa batas militar o martial law. Walang dapat ipagdiwang sa araw na iyon, ngunit mahalagang panatilihing nasa diwa nating lahat, lalo na sa mga kabataan, ang madilim na yugtong iyon sa ating kasaysayan. Sabi nga ng manunulat na si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.”

Ngunit mukhang ganito nga ang nangyayari sa atin ngayon.

Halimbawa, may mga naniniwalang batas militar pa rin ang tutuldok sa problema natin sa kaguluhan sa kanayunan na ugat naman ng terorismo at rebelyon. At nangunguna ang admnistrasyong Duterte sa mga may ganitong pag-iisip. Sa gitna ng napakaraming isyung hinaharap natin araw-araw, huwag nating kalimutang umiiral pa rin ang martial law sa buong Mindanao. Una itong idineklara noong lusubin ng Maute group ang Marawi. At kahit pa sinabing “malaya” na ang lungsod sa banta ng Maute group matapos ang ilang buwang bakbakan, pinalawig pa ng pamahalaan ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taóng ito. Hindi tayo magtataka kung i-e-extend pa ito dahil nitong mga nakaraang linggo, sa kabila ng sinasabi ng administrayong bumaba ang krimen sa rehiyon dahil sa martial law, tatlong insidente ng pambobomba ang naganap sa ilang bayan roon. Nangyari ang pinakahuli sa labas ng isang botika sa General Santos City kung saan pitong tao ang nasugatan.

At dahil sa mga pambobombang ito, umiigting ang duda ng ilang kritiko kung may basehan nga ba ang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao. Katwiran minsan ng pamahalaan, mayroong rebelyon o pag-aalsa sa bahaging iyon ng ating bansa kaya may martial law. Kung minsan, ang sasabihin naman nila ay ang banta ng grupong ISIS. Ayon sa mga tutol sa martial law sa Mindanao—dala na rin marahil ng alaala ng malagim na pagpapatupad ng batas militar noong rehimeng Marcos—sapat nang dagdagan ang puwersa ng mga sundalo’t pulis kung nais lamang ng pamahalaang tugisin ang mga itinuturing na kaaway ng estado na nasa Mindanao. Ganito ang ginawa ng nakaraang administrasyon matapos ang masaker sa Mamasapano, Maguindanao.

Hindi rin nililinaw pa ng administrasyon kung bakit kailangang buong Mindanao ang isailalim sa martial law gayong sa ilang lugar lamang naganap ang anila’y rebelyon ng Maute o ang operasyon ng mga grupong kaanib ng ISIS, kung totoo mang naroon sila. Sa isang banda, maraming nagsasabi—mga naninirahan man o dayuhan—na wala namang kaguluhan sa mas malaking bahagi ng Mindanao, at sapat na ang paglalagay ng checkpoints ng pulis o militar sa mahahalagang daanan. Kumbinsido naman ang mga masugid na tagasuporta ng pangulo na mas mapayapa sa kanilang lugar dahil sa martial law; hindi siguro nila nababalitaan ang patuloy na karahasang nagaganap sa mga liblib na lugar na sanhi ng paglikas ng daan-daang pamilya.

Sa huli, nananatili ang tanong na: solusyon nga ba ang batas militar upang panatilihing mapayapa ang mga lugar sa Mindanao na may sigalot? Hindi ba’t ginamit din ni Marcos na dahilan ang banta ng mga komunista upang ideklara ang martial law noon?

Sa halip na kumiling sa militaristikong solsyon sa mga hidwaan at tunggalian, bakit hindi na lang tutukan ng pamahalaan ang unti-unting pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law? Bakit hindi na lang tugunan ang problema ng mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon sila ng maayos na kabuhayan? Bakit hindi na lang buwagin ang mga naghahari-hariang angkan doon gayundin ang kanilang private armies?

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Paul VI, “Kung hangad natin ang kapayapaan, papunyagian natin ang katarungan.” Sa madaling salita, kung namamayani ang katarungan sa isang lipunan, kapayapaan ang iiral sa mga pamayanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,616 total views

 27,616 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,272 total views

 42,272 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,387 total views

 52,387 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,964 total views

 61,964 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,953 total views

 81,953 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,617 total views

 27,617 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,273 total views

 42,273 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,388 total views

 52,388 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,965 total views

 61,965 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,954 total views

 81,954 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,419 total views

 48,419 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,444 total views

 43,444 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,013 total views

 47,013 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,468 total views

 59,468 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,535 total views

 70,535 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,854 total views

 76,854 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,465 total views

 81,465 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,025 total views

 83,025 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,586 total views

 48,586 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,402 total views

 69,402 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top