170 total views
Sinisikap ng Archdiocese of Cebu na matugunan ang panawagan para sa pagsasa-ayos ng kapaligiran na inihayag ni Pope Francis sa encyclical nitong Laudato Si.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, mula pa noong isinapubliko ang Laudato Si ay gumagawa na ng iba’t-ibang pamamaraan ang kanilang Arkidiyosesis upang mas mapaigting pa ang pangangalaga sa kalikasan.
Dahil dito, kabilang sa mga hakbang na isinagawa ng Archdiocese of Cebu ay ang pagsisimula ng paggamit ng Solar Power bilang pinagkukunan ng enerhiyang gagamitin sa mga Simbahan.
“Ever since the Holy Father has come out with the Laudato Si, we already committed to try every possible means to make our world a better place to live in. And of course WeGen is one wonderful approach in using solar energy,” pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.
Pormal nang lumagda ang Archdiocese of Cebu at WeGen Laudato Si sa kasunduan ng pagtatayo ng Solar Panels sa lahat ng simbahan na nasasakupan nito.
Dahil dito, naniniwala si Abp. Palma na sa maliliit na inisyatibong ito ng Simbahan ay natutugunan ang pangangalagang kinakailangan para sa kalikasan at sa pamamagitan din nito ay nabibigyan ang mga tao ng katiyakan sa malinis na pinagmumulan ng enerhiya.
“We believe that this is one way we can respond positively to the invitation of the Holy Father to take care of the Earth and of course to be creative in using various ways to provide at the same time conserve energy and be assured of clean power.” Dagdag pa ng Arsobispo.
Read: Archdiocese of Cebu, Gagamit ng Solar power sa mga Simbahan