Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan at pag-ibig, sagot sa karahasan

SHARE THE TRUTH

 603 total views

Mga Kapanalig, laganap sa daigdig ang karahasan. Nariyan ang mga digmaan, at ang mga pagsalakay na naglalayong magkalat ng takot sa mga bansang walang digmaan. Kamakailan lang, sunud-sunod ang pagbobomba sa Belgium, Pakistan, at Turkey. Ang ganitong mga pangyayari ay nakapagpapaagnas ng pag-asa natin sa sangkatauhan, at maging sa Diyos.

Ano ang tungkulin ng Kristiyano sa ganitong sitwasyon? Balikan natin ang Gaudium et Spes, Katuruang Panlipunan ng Simbahan na inilathala ng Pangalawang Konsehong Batikano noong taóng 1965. Nahaharap noon ang daigdig sa paggunaw ng sangkatauhan dahil sa karera sa armas ng makapangyarihang mga bansa. Iba ang kalagayan natin ngayon, dahil ang pinakalantad na panganib ay tila galing sa maliliit na samahan ng mga taong may damdamin ng pagkaapi o marginalization sa iba’t-ibang bansa. Ngunit may maituturo pa rin ang Gaudium et Spes kung papaano tugunan ang ganitong uri ng karahasan.

Ayon sa Gaudium et Spes, hindi karahasan ng estado ang pangunahing sagot sa karahasan. Ang karahasan ng estado ay kinakailangan kung ang kalaban ay walang kagustuhang makipagdiyalogo. Ngunit ang karahasan ng estado ay hindi dapat maging tangi o palasák na instrumento laban sa karahasan, dahil madalas nagbubunga ito ng panibagong karahasan. Halimbawa, ang paglusob ng Estados Unidos sa Iraq noong taóng 2003, na tinutulan ni Papa Juan Pablo II at ng ating mga obispo, ay nakapag-ambag sa pagsibol ng Islamic State, isa sa kinatatakutan nating puwersa ng karahasan ngayon.

Ayon pa sa Gaudium et Spes, higit na mabisang sagot sa karahasan ang katarungang batay sa pagkilala ng dangal ng tao. Marami sa puwersang mararahas ay may damdaming dehado sila sa mga palakad ng kanilang lipunan. Isang tugon dito ang pagtatatag ng mga institusyon para iwasto ang kamaliang kanilang iniinda, at para makalahok sila sa pagwawastong ito. Halimbawa, ang Bangsamoro Basic Law o BBL ay panukalang batas na naglalayong bigyan ang mga kapatid nating Muslim ng kakayahang pamunuan ang kanilang mga sarili at makilahok sa buhay ng bansa ayon sa prinsipyo ng sariling relihiyon at kultura.

Sinasabi rin ng Gaudium et Spes na tungkulin ng Kristiyanong pandayin ang kapatirang batay sa pagmamahal. Ang kapayapaan ay bunga ng pag-ibig, na lumalampas sa ibinibigay ng katarungan.

May mga samahan sa Mindanao na nagsisikap ipag-ugnay ang Kristiyano at Muslim sa pagpapaunlad ng kapayapaan sa kanilang pamayanan. Kabilang dito ang Bishops-Ulama Conference, na itinatag ng ating mga obispo sa Mindanao kasama ng mga pinunong relihiyoso ng mga Muslim; ang Silsilah Dialogue Movement; ang Peace Advocates Zamboanga o PAZ; at ang Zamboanga-Basilan Integrated Development Alliance o ZABIDA. Isang kongregasyong Katoliko, ang Oblates of Mary Immaculate o OMI, ang nagtatag ng mga paaralan sa Mindanao na tumatanggap ng estudyanteng Muslim. Layon ng mga paaralang itong linangin ang kakayahan nilang lumahok sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pulitika ng bansa, hindi ang gawing Katoliko ang mga estudyanteng Muslim. Halimbawa, Muslim ang 70 porsyento ng mag-aaral sa Notre Dame University sa Cotabato. Ang pamantasang ito ay mayroong opisina, ang Institute for Autonomy in Governance, na lumahok sa pagbubuo at pagtatasa sa BBL.

Maaari tayong makilahok sa ganitong mga gawain kahit sa maliliit na paraan: halimbawa, sulatan ang ating mga mambabatas na isabatas ang BBL o katumbas nito; mag-ambag ng salapi o panahon sa mga organisasyong nagsisikap tumulong sa mga kapatid nating Muslim; kaibiganin ang mga Muslim, katutubo, at ibang minoridad na nakakasalamuha natin araw-araw. Sa ganitong mga munting paraan, makatutulong tayo sa paghahasik ng pag-asa sa mga kapatid nating Muslim, at maging sa ating mga sarili, na kayang makamit ang katarungan at ang magandang buhay sa mapayapang paraan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 52,080 total views

 52,080 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 63,155 total views

 63,155 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 69,488 total views

 69,488 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 74,102 total views

 74,102 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 75,663 total views

 75,663 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 52,081 total views

 52,081 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 63,156 total views

 63,156 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 69,489 total views

 69,489 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 74,103 total views

 74,103 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 75,664 total views

 75,664 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,736 total views

 44,736 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,397 total views

 67,397 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,973 total views

 72,973 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,454 total views

 78,454 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,567 total views

 89,567 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,566 total views

 85,566 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,268 total views

 73,268 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,750 total views

 81,750 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,809 total views

 74,809 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,733 total views

 81,733 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top