205 total views
Nag – alay ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples, sa 2 dalawang Pilipino mula sa 6 na seamen na dinukot sa Nigerian coast.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos mahalagang maintindihan ng pamahalaan ang mga sakripisyong ginagawa ng mga Pilipinong seafarers makapagpadala lamang ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay.
Umaasa si Bishop Santos na maunawaan ng gobyerno ang kontribusyon ng mga Pilipinong mandaragat makatulong lamang para mai-angat ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga remittances.
Nanawagan rin ang Obispo sa pamahalaan at sa Dioryx Maritime Corporation na gawin ang lahat para mailigtas ang mga nabihag na seamen.
“With our Filipino seaman,second officer kidnapped off the Nigerian coast, it is time for us to pray earnestly for his safety. Here, we can always see the dangers and hardships which our Filipino seamen have experienced and encountering. The best thing we can do is to pray always for them, to return home safely. Let us acknowledge their services and sacrifices to provide everything for their loved ones. The government should be grateful for their economic contribution to our country. We trust that our government and the Dioryx Maritime Corp will exhaust all means to bring all kidnapped seamen alive, well and immediate,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas
Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas nakapagpapasok ng pera ang mga Filipino seafarers sa bansa ng $5.6 bilyong dolyar o halos P252 bilyong piso noong 2014.
Tinatayang 1.2 milyon ang mga Filipino seamen sa buong mundo na siyang sumasalamin sa Pilipinas bilang worlds seamen exporters.