260 total views
Ganito isinalarawan ng isang Capuchin Friar ang ipinakitang pagtanggap ng mga Filipino kay Saint Padre Pio.
Hindi makapaniwala si Fra. Nazario Vasciarelli, OFM Cap., isa sa mga tagapangalaga ng Incorrupt Heart, na ang isang Santo na nagmula sa malayong bansa ay mamahalin ng lubos ng mga Filipino.
Dagdag pa niya, ang pagpapakita ng pananabik at maalab na pananampalataya ng mga Katoliko sa bansa ay nagpapaalala sa mga winika ni Padre Pio na higit siyang maaalala ng mga tao sa kanyang kamatayan.
“It is a beautiful experience, there is much involvement, strongly motivated, rich of many points of reflection. It made me think how can Padre Pio who comes from afar, from the South of Italy, who is venerated here in the Philippines. This is even greater than a miracle that can happen in the life of the person, being known, venerated and followed. This reminds me of what Padre Pio said, “I will make more noise when I die more than when I’m still alive.”” Pahayag ni Fra. Nazario sa eksklusibong panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, naantig din ang damdamin ni Fra. Nazario sa nakita nitong masigasig na paglilingkod ng mga kabataan sa Pilipinas.
Aniya, sa kanilang karanasan sa Europa ay mahirap hikayatin ang mga kabataan na maglingkod sa simbahan, subalit nakita nito sa Pilipinas na mismong ang mga kabataan na ang lumalapit sa Simbahan.
Dahil dito, sinabi rin ni Fra. Nazario na may kaakibat na mas malalim na responsibilidad ang mga pari at Obispo, bilang mga pastol ng simbahan sa Pilipinas upang gabayan ang mga kabataan sa paglalakbay sa buhay.
“I am deeply touched. It is a young country. The young people are difficult, also in my western world, to involve themeselves for Jesus Christ. But here, I have seen the young people involve themselves, and therefore, the priests, the Church, the hierarchy, the shepherds have the commitment to accompany the young people in their journey of knowing Jesus Christ.” Dagdag pa ng Pari.
Sa unang bahagi pa lamang ng Nationwide tour ng incorrupt heart ni Saint Padre Pio sa Pilipinas ay mahigit na sa 100-libo ang mga mananampalataya ang dumayo sa mga lugar na pinuntahan nito.
Noong ika-6 ng Oktubre dumating ang heart relic sa pambansang dambana ni Santo Padre Pio sa Sto. Tomas Batangas.
Nito namang ika-8 ng buwan ay dinala ito sa University of Santo Tomas, at inilipat sa Manila Cathedral noong ika-9.
Ika-11 ng Oktubre ay dinala naman ito sa Cebu Metropolitan Cathedral at ngayong araw ay inilipat na sa International Eucharistic Convention Center, sa Mabolo Cebu.