2,471 total views
Isusulong ng Department of Social Welfare and Development ang mga programa upang ihaon ang mamamayan sa kahirapan.
Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, hindi tumitigil ang ahensya sa pakikipagtulungan sa lahat ng sektor upang matiyak na nabibigyan ng tulong ang bawat indibidwal sa Pilipinas na nangangailangan.
“We will never stop. We will remain committed, supporting all efforts to help our President and his administration reach the goal of reducing poverty by 14 percent by the year 2022. I can’t wait to see more people enjoying their freedom from poverty.” bahagi ng pahayag ni Orogo.
Ito ay alinsunod sa nasasaad sa ensiklikal na Gaudium et Spes ni Saint Pope Paul VI kung saan binigyang diin na ang diwa ng karukhaan at kawanggawa ang tunay na karangalan at saksi sa Simbahang itinatag ni HesuKristo.
Tulad ng mga adbokasiya ng Simbahang Katolika na palakasin ang sektor ng mga maralita, naniniwala ang DSWD na mahalagang mapalakas ang bawat komunidad upang matulungang mapaunlad at mapalago ang buhay ng bawat indibidwal.
Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority higit sa 12 milyong Filipino ang namumuhay sa labis na karukhaan na nangangailangan ng kagyat ng pagtugon.
Sa panig ng Simbahan patuloy na kumikilos ang bawat diyosesis at mga parokya sa paglikha ng mga programang makatutulong sa mga mahihirap tulad ng mga gawain ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese ng Manila.