211 total views
Nakasaad sa Encyclical ni Pope Leo the 13th noong 1891 na Rerum Novarum o On the Condition of Labor na may karapatan ang sinuman na mangibang-bayan upang masuportahan ang kanilang pamumuhay at buhay ng kanilang mga pamilya.
Bukod dito, nasasaad din sa naturang Catholic Social Teaching on Immigration na bagamat may karapatan ang bawat bansa na magpatupad ng mga panuntunan sa pagpasok ng mga migrant worker ay dapat naman itong maging makatao at makatarungan.
Dahil dito, puspusan ang pagpupursige ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers na naghahanap-buhay sa iba’t ibang bansa.
Kaugnay nito, muling umapela si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng kumisyon sa mga undocumented OFWs sa United Arab Emirates na samantalahin ang huling buwan ng ipinatutupad na UAE Amnesty upang maisaayos ang mga dokumento o lumapit sa pamahalaan para sa repatriation pabalik ng Pilipinas.
Ayon sa Obispo, isang magandang opurtunidad ang naturang amnestiya na magtatapos na ngayong buwan upang gawing legal ang kanilang pananatili sa nasabing bansa.
Nabatid na bukod sa hindi na kinakailangan pang magbayad ng anumang multa ay maari ring mag-apply ang mga OFW ng 6-month visa upang legal na makapaghanap ng trabaho sa UAE.
“We, CBCP ECMI, would like remind and appeal to our undocumented OFWs in UEA to legalize their stay or to seek repatriations. The UEA amnesty covers those who overstayed, or have been absconded from their employers, expires at the end of this month. Yet with amnesty they are exempted from fines, immigration penalties and can still re-enter to that country. So before this October ends it is advisable to avail this amnesty that without any penalty they leave the country or apply for a six month visa to enable to seek new employment.” Mensahe ni Bishop Santos.
Samantala, nagpahayag rin ng pasasalamat si Bishop Santos sa patuloy na pag-alalay at pagbibigay ng pinansyal na ayuda ng Department of Foreign Affairs sa mga OFW partikular na sa mga piniling umuwi na lamang ng bansa upang muling makasamang ang kanilang pamilya.
Tiniyak ng Obispo na buo ang suporta at pananalangin ng CBCB–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga programa ng pamahalaan para sa pagbibigay proteksyon at seguridad sa mga OFW sa iba’t ibang bansa.
“We are also very grateful for help and assistance of our DFA, especially for taking financial responsibilities such as exit fines, airline tickets and transportations to home provinces of our OFWs who chose repatriation. We support their programs, and pray constantly for safety and security of our OFWs.” Pagbabahagi pa ni Bishop Santos.
Sa inisyal na tala ng DFA noong Setyembre, tinatayang may 10,000 hanggang 15,000 ang bilang ng mga undocumented at overstaying OFW sa UAE habang umaabot na sa mahigit 830 ang mga repatriated sa bansa ng magsimula noong Agosto ang Amnesty program ng UAE government na magtatapos ngayong Oktubre.