275 total views
Katunayan sa pagbibigay ng halaga at pagkilala ng Simbahan sa kakayahan ng kabataan ang katatapos lamang na 15th Ordinary Assembly of Bishops sa Vatican na itinuon sa mga kabataan.
Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, malaki ang tiwala ng simbahan sa husay ng kabataan at sigasig sa pananampalataya.
“Talagang binibigyan sila ng importansya ng Simbahan and then that’s the reason why we had Synod for the Youth,” ayon kay Bishop Mallari.
Paliwanag ng Bishop Mallari na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, mahalagang makisangkot ang Simbahan sa karanasan ng mga kabataan lalu na sa kasalukuyang panahon.
“Ito yung isang malaking pag papahiwatig na yung mga Obispo natin sa buong mundo nakikita nila yung halaga ng mga kabataan sa Simbahan at they see very clearly what they can Contribute the Faith, at napaka halaga na madama ito ng mga Kabataan natin at sa pilipinas is like to commend yung mga kabataan natin ah talagang very active sila sa Simbahan,” ayon pa kay Bishop Mallari.
Giit ng Obispo nawa ang pagtitipon ay magsilbing ugnayan ng kabataan at mga nakatatanda sa patuloy na pagpapatatag ng pananampalataya.
Ang Synod on Youth ay ginanap sa Vatican simula October 3-28 na dinaluhan ng may 300 mga obispo at kabataang delegado sa iba’t ibang panig ng mundo